BIR says Richard Gutierrez faked documents

BIR files more cases against Richard Gutierrez

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

08/19/2017 02:34 PM
BIR says Richard Gutierrez faked documents

 

Sa ulat saTV Patrol, nagsampa ng panibagong mga kaso ang Bureau of Internal Revenue laban kay Richard Gutierrez. Ang mga kaso ay falsification of public documents at purgery. 

Ang mga panibagong kaso ay may kinalaman sa depensa ni Richard sa 38.57 million pesos tax evasion case na sinampa ng BIR laban sa kanya. 


Ayon sa BIR, pineke ng kampo ni Richard ang kanyang annual income tax return, pati ang kanyang value added tax returns para sa 2nd, 3rd and 4th quarters ng taong 2012. 

Sinampahan naman siya ng kasong purgery kasi aniya, sinabi niya sa kanyang counter affidavits na nagbayad siya ng nasabing mga buwis. 

Ayon kay James Roldan, Assistant Commissioner ng BIR, “There’s a stamp received in the documents, (but) the person who allegedly received it has denied. It is not his signature. The stamp that was used is not the stamp that was used in that office.”

Ayon naman sa abogado ni Richard na si Atty. Marie Glen Garduque,  may receipt diumano at stamps ang mga pinasang dokumento at original ang mga ito.