• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda admits this may not be the last time he might offend someone with his humor.

Vice Ganda on apologizing to Tony Calvento: 'I'm not a perfect entertainer'

Vice Ganda admits this may not be the last time he might offend someone with his humor.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/18/2017 03:48 PM
Vice Ganda on apologizing to Tony Calvento: 'I'm not a perfect entertainer'

 

Fresh from Korea, present sa naganap na grand opening ng District 8 gastro pub ang unkabogable star na si Vice Ganda para pasinayaan ang kanilang bagong negosyo kung saan partner niya ang ilan sa personalities gaya ni Daniel Padilla at James Yap.

 

District 8 (G-Strip Greenhills Shopping Ctr.) will be open to the public starting today at 5pm. DINE. DRINK. PARTY. @district8manila


A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

Dito masayang nagkuwento si Vice tungkol sa ang kanyang naging bakasyon sa Korea kasama ang kanyang ina at mga kapatid.

"Sobrang saya ng Korean trip. Nabitin lang kasi kailangan ko na umuwi para sa opening ng District8 pero sobra kong na-enjoy. I had so much fun kasama yung nanay ko, yung mga kapatid ko. Sulit pero kailangan ko lang umuwi. Madami kasi tayo obligasyon dito sa Pilipinas," masayang kuwento ni Vice.

Nag-enjoy man sa Korea, hindi naman nakaiwas ang It's Showtime host sa pang-iintriga kabilang na ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawan kay Tony Calvento.

Matatandaan na ikinumpara ni Vice ang isang Tawag ng Tanghalan finalist na si John Mark Saga kay Calvento.

"Hindi. Nag-enjoy ako sa Korea and hindi ako masayadong aware na may mga ganun na pala kaya pag uwi ko sabi ko 'I need to settle this kung may na-offend ako, let's apologize.' Yun lang naman nag kaya natin ibigay,” pahayag ni Vice.

Dahil sa nangyari humingi ng public apology si Tony mula kay Vice na agad naman niyang ginawa nung nakabalik ito noong August 17 sa noontime show.

"Alam mo ever since I'm always saying this na I'm not a perfect person, I'm not a perfect entertainer. Every now and then magkakamali ako sa mga ginagawa ko kasi tao lang ako. Pero hindi din ako magsasawa na humingi ng paumanhin sa lahat ng pagkakamali na magagawa ko," pahayag ni Vice.

Paliwanag pa ni Vice, nagkausap na sila ng personal sa telepono ni Tony Calvento at nagka-ayos na sila. Tinanggap na din nito ang kanyang apology.

Para kay Vice, patuloy pa din siyang magpapatawa pero hindi niya masigurado na hindi na siya magkakamali.

"I cannot say na last na iyan, hindi na ako magkakamali. Kasi araw-araw may magagawa tayong pagkakamali sinasadya man o hindi," ani pa ni Vice.

Dagdag pa niya, hindi din umano siya magsasawa na humingi ng paumanhin kung kinakailangan sa mga taong hindi natutuwa sa kanya.

"Ang maliwanag lang sa puso ko, wala akong intensyon na masama sa kapwa ko. Gusto ko lang magpatawa. Nagkakamali lang talaga ako."