• Home
  • Fresh Scoops
  • Roxanne Barcelo nilinaw kung ano ang priorities niya ngayon.

Roxanne Barcelo, ibinihagi ang totoong dahilan kung bakit ayaw munang pakasalan si Will Devaughn

Roxanne Barcelo nilinaw kung ano ang priorities niya ngayon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/18/2017 04:08 PM
Roxanne Barcelo, ibinihagi ang totoong dahilan kung bakit ayaw munang pakasalan si Will Devaughn
Photo credit to owners

 

Bida ang magkasintahang sina Roxanne Barcelo at Will Devaughn sa pelikulang I Found My Love in Sta. Fe. Apat na taon na ang kanilang relasyon pero aminado si Roxanne na wala pa sa plano niya ang magpakasal.

Eh, bakit nga ba di pa siya ready to settle down?


“Alam mo, maganda yung isang linya sa pelikula namin sa I Found My Love in Sta. Fe na, ‘Love doesn’t ask because it’s ready to love or it’s ready to trust.’ Parang ganu’n din siguro yung sagot ko,” sagot niya sa amin.

Patuloy pa ni Roxanne, “Never mo naman malalaman kung ready ka, pero bilang mas mature ka na, di ba, you try to gather as much data as possible. Kumbaga, magde-decide ka base don sa alam mo.

“So sa ngayon, nagpo-focus talaga kami sa trabaho. Kasi bihira yung mga pagkakataon na dumadating sa amin ngayon,” rason pa niya.

Kahit medyo cliché, career ang isa sa sinabing dahilan ni Roxanne kung bakit ayaw muna niyang magpatali.

“Matagal ko siyang inaantay, eh. So as much as gusto kong mag-settle down parang gusto ko talagang magbigay muna ng 100 percent sa trabaho ko. Kasi nando’n yung nung nagsisimula ako may school, ang hirap, eh, napakahirap.

“So yung mga pagkakataon nung araw, hindi ko talaga na talunan nang buo agad. So, ayoko na ng ganu’n, hanggang natapos ko na ang pag-aral ko and I was able to accomplish yung schooling and yung degree ko and now I really want to focus,” katwiran pa niya.

Pero ano ang reaksyon niya sa naging pahayag ni Will na excited na itong magkaroon ng sariling pamilya at mga anak?

Aniya, “Kasi may mga relationship na minsan ayaw ng lalaki na magpakasal, may ganun. May ex akong ganun.

“May i-dinate din ako na ayaw magkaanak. Yung parang, as much as possible, kinikilatis din namin yung isa’t isa until now, pero ang good thing is mag-best talaga kami.”

Isa pa sa kahanga-hangang dahilan kung bakit hindi pa siya ready to get married ay ang kanyang mga magulang.

“Ako, personally, ayokong tumanda yung parents ko na hindi ko sila maaalagaan nang husto, yon yung sine-secure ko ngayon. Nakatahi yon sa pangarap ko, kasi hindi naman puwedeng mangarap ka tapos ikaw lang, di ba?

“Ang hangad ko talaga para sa magulang ko. Walang etchos yon. Kahit hindi ako mag-showbiz ang goal ko talaga ay magtrabaho for them, kasi yon yung ginawa nila para sa amin, nagtrabaho talaga sila nang husto para sa amin.

“My goal lang talaga ngayon is makapag-ipon para makapag-relax na yung magulang ko,” kuwento ng aktres.

About sa isyu na puwede naman muna silang mag-live-in ni Will bago magpakasal, may reaksyon din dito si Roxanne.

“Maayos kong kino-munnicate yon (live-in thing) sa kanya lalo na, especially now habang tumatagal, mas nakaka-tempt to just…

“Kasi may mga ganun, di ba. ‘Wag nang magpakasal, okey naman tayo, mag-ipon na lang tayo.’ Pero at some point in our relationship, na-realize namin na mas madali yon. It’s easier to choose that, mas mahirap to stay apart from each other at konti pang antay,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Roxanne, “Gusto ko rin yung feeling na nagwo-work ako, nami-miss niya ako. Nagwo-work siya, nami-miss ko rin siya at mas nakakatutok din siya sa business na pinapasok niya which is pabor yon sa akin. I want him to have his own time and ako din.”

Samantala, super proud si Roxanne sa pelikula nila ni Will.

“Itong project na ito, kasama ng dasal pero hard work siya. Talagang tinatrabaho namin at tatrabahuhin pa namin. This is something I’m proud of. Parang perfect launching pad ito for me to be a producer kasi it’s a project na I’m 100 percent proud of.

“Lahat ng eksena maganda. Hindi ako mahihiyang sabihin sa mga pamangkin ko na manood kayo, sa mga apo ng lola ko, sa mga pare, sa mga madre, na manood sila,” sambit pa niya.

Ang I Found My Love In Sta. Fe ay pelikula ni Direk Bona Fajardo na prinoduce ng Bluart Productions. Sa napakagandang lugar sa Sta. Fe (Cebu) kinunan ang kabuuan ng pelikula na palabas sa September 15 sa SM Cinemas bilang bahagi ng FDCP’s Cinelokal.