• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagtanggol ni Edward Barber si Maymay Entrata laban sa kanyang mga bashers.

Maymay Entrata bakit nga ba kinilig kay Edward Barber?

Ipinagtanggol ni Edward Barber si Maymay Entrata laban sa kanyang mga bashers.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/18/2017 08:11 AM
Maymay Entrata bakit nga ba kinilig kay Edward Barber?
Photo credits to simplengbinata IG

 

Trending kamakailan ang ginawang pagtatanggol ni Edward Barber sa onscreen partner niya na si Maymay Entrata laban sa mga bashers nito sa social media.

Watch : Push Now Na: What Edward Barber has to say to Maymay Entrata’s bashers


Dahil dito, kilig overload ang naramdaman ni Maymay sa ginawang pagdepensa sa kanya ni Edward laban sa mga negatibong komento na ibinabato sa kanya.

"I'm feeling important (laughs). Joke lang po syempre masaya po ako kasi isa siya sa mga malapit sa akin dahil talagang kung anong nakikita sa kanya ng mga tao ganun din po kasi siya kung ano yung nakikita ko sa kanya," sabi pa ni Maymay.

Pero ayon kay Edward, walang sawa niya ipagtatanggol si Maymay kung kinakailangan talaga nito.

 

SINGAPOOOOOORE! 😭❤️❤️❤️ . . Praise God!😭👆🏻

A post shared by May May Entrata (@maymay_entrata0506) on

"It's not like a monthly subscription, its like I'm going to stop (laughs) of course not as long as she needs my help, she needs it and if there's something to defend her, its not like its going to stop," pahayag ni Edward.

Kuwento pa ni Maymay, hindi niya akalain na gagawin ito ni Edward para sa kanya.

"Hindi ko naman po talaga alam yun e, pero masarap po pala sa feeling pag ipinagtatangol ka pala," ani pa ni Maymay.

Patuloy din sa pagbibigay ng kilig ang MayWard sa nalalapit na showing ng kanilang unang pelikula na Loving In Tandem. Kuwento ng MayWard, mahirap na masaya ang kanilang naging experience sa una nilang pagsalang sa pelikula.

"First time po namin makita ang sarili namin sa movie sa malaking screen. Tapos parang kasi ito na po ang pinakamahirap na pinagdaanan namin yung acting acting yung maraming shots," saad pa ni Maymay.

Dahil first timer, wish ni Edward na magustuhan ito ng MayWard fans dahil talagang ibinigay nila ang kanilang best para sa pelikula.

"You will cry and sana you'll be happy and sana kiligin lahat!" pagtatapos na pahayag ni Edward.