• Home
  • Fresh Scoops
  • Tsugi man sa ‘Ghost Bride’, JC Santos makakasama pa din si Kim Chiu sa isang proyekto

JC Santos manggugulo sa tambalang Kimerald sa ‘Ikaw Lang Ang Iibigin’

Tsugi man sa ‘Ghost Bride’, JC Santos makakasama pa din si Kim Chiu sa isang proyekto

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/18/2017 03:51 PM
JC Santos manggugulo sa tambalang Kimerald sa ‘Ikaw Lang Ang Iibigin’

 

Hataw ang aktor na si JC Santos sa mga movie projects na kanyang ginagawa ngayon. Mapa Cinemalaya, Pista ng Pelikulang Pilipino hanggang Metro Manila Film Festival ay aktibo si JC sa pagbabahagi ng kanyang talento sa pag arte.

Simula nang nakilala noon sa kilig teleserye ng JaDine na Till I Met You, wala nang tigil sa pagkayod si JC upang maabot ang kanyang mga pangarap, kabilang na dito ang pagkakaroon ng sariling tirahan na nagsilbing regalo niya para sa sarili.


"I just moved into another apartment. It’s my first time to settle in my life after ten years sa Manila kasi I’m from Pampanga. So, tito mode muna ako ngayon sa pamimili sa mga furniture shops," bungad ng actor.

Bukod sa pagiging abala sa kanyang sariling tahanan, magiging abala din daw si JC sa dalawang linggo pagiging guest sa noontime teleserye na Ikaw Lang Ang Iibigin kung saan makakasama niya si Kim Chiu.

"Magiging guest ako sa Ikaw Lang Ang Iibigin as Percy, so asahan na manggugulo ako ng love story ni Kim a Gerald (Anderson) doon," ani pa ni JC.

Kuwento ni JC, masaya siya na nabigyan siya muli ng pagkakataon na magkasama si Kim sa isang proyekto matapos ang napabalitang pagkakaalis umano niya sa pelikula ni Chito Roño na Ghost Bride.

Paliwanag pa ng aktor, normal itong pinagdadaanan ng isang artista ang mapalitan sa isang proyekto.

"Nasanay na ako sa ganun eh. It’s part of the process of being an actor. You get rejected and it’s fine. Then you move on to another project," paliwanag pa ni JC.

 

Ganun pa man, masaya pa din si JC para naman positibong reaksyon ng mga manunuod sa kanilang pelikula ni Bela Padilla na 100 Tula Para Kay Stella na kalahok sa unang Pista ng Pelikulang Pilipino.