• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Paolo Bediones, may iba pang celebrities na meron ding sakit na psoriasis ang nais lumantad.

EXCLUSIVE: Paolo Bediones ibinahagi kung paano naapektuhan ang buhay niya ng sakit na psoriasis

Ayon kay Paolo Bediones, may iba pang celebrities na meron ding sakit na psoriasis ang nais lumantad.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/18/2017 04:06 PM
EXCLUSIVE: Paolo Bediones ibinahagi kung paano naapektuhan ang buhay niya ng sakit na psoriasis
Photo credits to paolobediones IG

 

Naranasan ng TV host at businessman na si Paolo Bediones ang pandirihan noon ng mga tao dahil sa sakit niyang psoriasis na isang uri ng skin disease. Pero wala naman daw siyang natatandaan na may nandiri sa kanyang celebrities.

“Not celebs kasi very conscious ako pag celeb ang kaharap ko. Pero may mga times na yung mga staff, pero not my staff ha, if I was guesting somewhere or wherever and nagkataon na sa beach o saan man and then kita nila (yung psoriasis) at mahahalata mo sa kilos nila.


“Kita mo yung nagbubulungan sila, eh. ‘Ano yan, may tsismis,’ yung ganun. I’d always feel so small, yung parang nawawala yung ano mo, yung confidence,” simulang kuwento ni Paolo sa PUSH.

“But ganu’n, eh, it’s there,” patuloy niya.

“And then sometimes you want to hide it so magmemedyas ka, pero kung medyo fresh pa yung sugat didikit yung medyas sa sugat. Mahapdi… mahapdi siya. So it’s really something that you have to learn how to deal with, eh,” kuwento pa ulit ni Paolo.

Na-insecure ba siya noon lalo na sa panliligaw sa babae nang matuklasan niyang meron siyang psoriasis?

Aniya, “Siguro ano, parang before you let it come to the point na ganun ka-intimate na, medyo may konting intro (introduction), di ba.

“Kasi the last thing you want is… Kasi kunyari, bata ako, pangit naman na hindi mo itutuloy ang transaksyon dahil biglang nakita niya. Maganda yung alam niya from the very beginning na may something.”

Hirit pa niya, “But you know, it causes a lot of insecurities kasi you have to prepare yourself mentally, physically and emotionally before you leave the house.”

Kapag interested daw siya sa isang babae ay sinasabi na rin niya kaagad ang kanyang sakit.

“I tried to reveal it early on, eh, para in case... lalo na kung bata ka, siyempre ano ka, eh, mapusok, di ba? You want to make sure that you get that out of the way agad,” lahad niya.

Nagbigay din ng advice si Paolo sa mga taong may mga sakit na katulad niya.

“I want them to know that there are many ways to alleviate the symptoms, sobrang daming ways. But the reality is there is no cure.

“It’ll always be there. The food that we eat, the heat, temperature affects it, the stress. Kaya try to lead a stress-free life if you can.

“But if you can’t, make sure that the disease doesn’t get the better of you. Kasi yung iba nagpapatalo sa disease, eh. There’s a way to beat it, eh. There’s a way to be able to say na, ‘You know what, I can still get the job I want. I can still be successful. I can still meet the girl of my dreams, the prince of my life.’

“My coming out and saying that I have it and I’ve experienced a certain level of success means it can be beat,” pahayag niya.

After lumantad ni Paolo at sabihing meron siyang psoriasis ay marami na rin daw celebrities ang gustong mag-come out.

“Actually, I’m excited in the next few weeks kasi other celebrities with psoriasis have gotten in touch with me. But with respect to them, we don’t want to… ayaw nating pangunahan.

“We want it to come from them. But a lot of them have come to me and said na,  ‘You know, we’re thankful and maybe one day I’ll be as brave as you,’” he said.

Eh, ano nga ba ang mga bawal sa may psoriasis?

“Bawal ang malansa. Minsan chicken. Others naman for some reason they react sa red meat. Pero minsan wala sa eating, eh. It could also be a blood diet. It’s really the stress, eh. Yung puyat, ganun,” pagtatapos sa PUSH ni Paolo.