• Home
  • Fresh Scoops
  • Neil Arce mailap pa din sa mga tanong tungkol kay Angel Locsin.

EXCLUSIVE: Neil Arce, dream ipag-produce ng pelikula si Angel Locsin

Neil Arce mailap pa din sa mga tanong tungkol kay Angel Locsin.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/18/2017 04:00 PM
EXCLUSIVE: Neil Arce, dream ipag-produce ng pelikula si Angel Locsin

 

Present ang producer ng N2 Productions na si Neil Arce sa presscon ng Fangirl Fanboy. Si Neil ang line producer ng pelikula nina Ella Cruz at Julian Trono para sa Joyce Bernal Productions ng Viva Films.

As expected, matipid pa rin si Neil sa pagbibigay ng detalye tungkol sa bali-balitang relasyon nila ng aktres na si Angel Locsin.


Bukod pa sa Fangirl Fanboy, may mga na-produce na pelikula si Neil tulad ng Camp Sawi, Luck At First Sight at ang Piolo Pascual-Toni Gonzaga movie na kasalukuyang sinusyuting. Kelan ba naman niya balak ipag-produce ng pelikula si Angel?

“Alam mo, dream ko yon,” matipid niyang reaksyon sa tanong namin.

“Pero ayaw niya raw akong makatrabaho, eh. Hindi niya raw gusto,” sabi pa ulit ni Neil na hindi namin alam kung nagbibiro ba o seryoso na.

Sabi namin sa kanya, puwede naman niyang igawa si Angel ng indie film lang na parang “statement movie” para maiba naman.

“Oo nga ‘no, puwede,” sabi lang niya.

Kay Neil din namin nabalitaan na may ginagawang pelikula ngayon si Angel sa Star Cinema kasama si Angelica Panganiban. Hindi lang niya nabanggit kung ano ang title nito.

Eh, kumusta ba naman silang dalawa?

Tumayo na si Neil after ng tanong namin at pinuntahan sina Direk Joyce Bernal at ang director ng pelikula na si Barry Gonzales. Halatang umiiwas ang producer na magsalita tungkol sa status ng relasyon nila ni Angel.

Naintindihan naman namin si Neil dahil he’s there para sa presscon ng ni-line produce niyang Fangirl Fanboy.

Sa isyu na hindi sina Julian at Ella ang first choice ng team ni Neil para magbida sa Fangirl Fanboy, nagbigay din ng reaksyon ang producer.

“Three years ago, obviously there were other choices pero right now yung first choice is also not the choice kasi yung material baka hindi na rin bagay sa age nila.

“Kumbaga, yung casting namin is material-based. Three years ago iba yung para sa material na yon, ngayon it’s Julian and Ella sa material na ito,” paliwanag niya.

Palabas na sa September 6 ang Fangirl Fanboy.