• Home
  • Fresh Scoops
  • Julian Trono, masaya para kay Kylie Padilla sa pagkatupad ng pangarap nitong magkaroon ng sariling pamilya.

EXCLUSIVE: Julian Trono, nilinaw ang isyu sa past nila ni Kylie Padilla

Julian Trono, masaya para kay Kylie Padilla sa pagkatupad ng pangarap nitong magkaroon ng sariling pamilya.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/18/2017 04:06 PM
EXCLUSIVE: Julian Trono, nilinaw ang isyu sa past nila ni Kylie Padilla

 

Naging item noon ang lead actor ng Fangirl Fanboy na si Julian Trono at ang partner ngayon ni Aljur Abrenica na si Kylie Padilla, pero nilinaw ni Julian na friends lang ang naging relasyon nila ni Kylie.

Kuwento ni Julian, “It all started nung last show ko sa GMA mga three or four years ago, bago kami nagkatrabaho noon sa isang bagong show na naging last show ko rin sa GMA.


“We were very close. Pero siyempre, merong mga pre-conceived notions ang mga tao na naging kami kasi may mga time na lumalabas din kami, may mga times na ganu’n pero we weren’t dating actually talaga. Sobrang naging close lang din kami. Even after our show nagtuloy yung friendship but it was just that.”

Eh, anong reaksyon niya na meron ng anak si Kylie kay Aljur?

“Sobrang ano… I’m really genuinely happy for her kasi matagal na niyang gusto yon, eh. I mean, yon yung mga nakukuwento niya sa akin before—to settle down and to have her own family—more than the career and more than the work.

 “Sobrang committed din naman siya sa work pero alam mo yon, may kanya-kanya tayong dreams and desire sa buhay, I think isa yon talaga sa gusto niya. At bilang kaibigan, siyempre masaya ka na yung kaibigan mo na na-fullfil yung gusto niya and that’s something to be really happy about,” katwiran ng binata.

Nagpadala din daw siya ng mensahe noon kay Kylie para batiin ito.

“I was able to greet her on her birthday and yon din yung time na publicly sinabi rin niya na she’s pregnant. Sobrang saya ko talaga, as in, legit.

“Nawe-weird-uhan yung ibang tao kasi, I mean, yon yun, eh, ma-witness mo na after lahat ng mga struggles na napagdaanan niya, mga problema, pero na-overcome niya. I think, isa yon sa… ang sarap sa feeling non,” sambit pa niya.

Nilinaw din ni Julian na wala silang problema ni Aljur.

“Personally, both of us, wala kaming bad blood. Right now, alam mo yon, nabigyan ulit siya ng opportunity (sa ABS-CBN), ng chance to prove himself kaya dapat maging grateful na lang tayo and maging masaya na lang tayo sa bawat tao,” paglilinaw niya.

Hindi naman naitanggi ni Julian na naging crush niya noon si Kylie.

“Siyempre nagkaroon ng ganu’n. Pero hindi ko na pinursue. We shared the past before pero bilang kaibigan lang talaga. Iba-iba na rin yung pathways namin. Now, she has her own family, ako I’m still in my thing, my music, films, so yon.”

Naapektuhan ba siya na si Aljur ang nakatuluyan ni Kylie?

“Hindi naman,” sagot niya. “More on don sa ano, sabi ko nga, I hope they make it right now. Siyempre, nagkaroon din sila ng mga troubles in the past, I mean as a friend yon lang naman ang mahihiling mo di ba, na maging maayos at makapag-sette down na siya nang maayos. I think, that’s the great thing kasi right now, okey sila, di ba?” pahayag niya.

Hindi ba niya nami-miss magka-girlfriend?

“Well, honestly siyempre iba pa rin yon. Iba pa rin na meron ka na at the end of the day, merong ganyan. Pero right now kasi, ang hirap, eh. Eh, hirap unahin ang nararadaman mo.

“Yung nararamdaman mo, it stays with you pero yung opportunities kasi pag dumaan yan, daraan lang talaga yan at pag hindi mo siya sinakyan at pag binalewala mo, hindi na rin babalik yon. Kung babalik man, baka siguro matagal na ulit, so dito muna ako sa career ko,” katwiran ni Julian.

Showing na sa September 6 ang Fangirl Fanboy na idinirek ni Barry Gonzales para sa Joyce Bernal Productions, N2 Productions at Viva Films.