Zanjoe Marudo, inamin ang real score sa pagitan nila ni Bela Padilla

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/17/2017 04:59 PM
Zanjoe Marudo, inamin ang real score sa pagitan nila ni Bela Padilla

 

Present sa naganap na story conference ng upcoming movie ng Cineko Productions ang mga bida sa kaabang-abang na unang pagsasama nina Daniel Matsunaga, Rhian Ramos at Zanjoe Marudo para sa pelikulang Fallback.

Sa panayam na ito kay Zanjoe, ibinahagi niya ang kanyang excitement para sa kanyang muling pagbabalik sa paggawa ng romantic comedy movie.

"Na-excite ako kasi na i-o-offer pa sa’kin ang mga ganitong klase pelikula. Mabibigat din kasi yung mga nagawa ko before at medyo napunta ako sa image ng mga tatay ng mga bata natin ngayon. Masaya ako kasi iba naman ngayon," sabi pa ni Zanjoe.

Bukod sa usapin sa pelikula, hindi rin naiwasan na pag-usapan ang buhay pag-ibig ni Zanjoe na patuloy pa rin na inuulan ng iintriga. Kasalukuyan itong nali-link sa aktres na si Bela Padilla. Matatandaan na huli silang nagkasama ni Bela sa programang My Dear Heart.

"Kami ni Bela magkaibigan talaga kami, naging close kami sa My Dear Heart kaya mayroon kaming pagkakaintindihan bilang magkaibigan," paliwanag ni Zanjoe.

Aminado ang aktor na wala siyang ibang dini-date ngayon at ayaw niyang madaliin ang mga bagay bagay.

 

 

Salamat Baguio! ūüĆ≤

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo) on

"Ayaw kong madaliin ang mga bagay kasi nadidiskaril pag madami ng mga nangunguna kaya sana kung ano yung tungkol sa personal ko, gusto ko maging private," sabi pa ni Zanjoe.

Ayon pa sa aktor, nais muna niya mag focus sa kanyang sarili at i-enjoy muna ang pagiging single.

 

 

old town

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo) on

"Siguro hindi lang ako nagmamadali kasi marami na din akong natutunan from past relationships ko, ngayon lang din naman ako naging single for the longest time so ineenjoy ko siya," pahayag niya.

Bukod sa paggawa ng pelikula, pinaghahandaan din ni Zanjoe ang isang teleserye na kanyang muling pagbibidahan.