• Home
  • Fresh Scoops
  • Marco Gallo at Kisses Delavin nagpasalamat sa magandang feedback ng ‘Wansapanataym Presents Amazing Ving’

Marco Gallo at Kisses Delavin nagpasalamat sa magandang feedback ng ‘Wansapanataym Presents Amazing Ving’

Kahit na kontrabida ang role, Marco Gallo at Kisses Delavin masaya sa una nilang TV project.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/16/2017 9:48 AM
Marco Gallo at Kisses Delavin nagpasalamat sa magandang feedback ng ‘Wansapanataym Presents Amazing Ving’


 

Isa ngayon ang tambalan ng KissMarc na sina Marco Gallo at Kisses Delavin sa mga inaabangan tuwing Linggo sa Wansapanataym Presents Amazing Ving kung saan nagbibida si Awra Briguela.

Dahil ito ang unang proyekto ng KissMarc, masayang-masaya sila sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga manunuod.

"Sobrang overwhelmed kami sa mga reactions ng mga tao kasi first time po namin na mag Wansapanataym and ito din po yung first TV opportunity namin after PBB. Nakakataba po ng puso to hear positive comments from everyone," sabi pa ni Kisses.

 

 

Trailer for #AmazingVing on Sunday, tomorrow, 8 pm! Abangan! 💖

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on

Gaya ni Kisses, hindi din inaasahan ni Marco ang magandang feedback sa kanila ng mga manunuod.

"Siyempre po nakakatuwa. Hindi lang mga fans namin ang natutuwa kundi buong kapamilya po natin na sumusuporta sa amin po. Kaya maraming salamat po."

Gumaganap man bilang mga kontrabida sa kanilang unang proyekto sa telebisyon, malaki pa din ang pasasalamat ng KissMarc sa pagkakataon na ipinagkaloob sa kanila ng Wansapanataym.

 

Gaya ni Kisses, mas pinili din daw ni Marco na galingan ang mga proyekto na ibinigay sa kanila.

"Nung una inisip ko 'Wala naman bida kung walang kontrabida' kaya natuwa ako kasi talagang pinagkatiwalaan po kami sa proyekto na ito kahit na baguhan po kami," dagdag pa ni Marco.

Abala din ngayon ang KissMarc sa kanilang first movie kung saan makakasama nila ang kapwa PBB housemate na sila Maymay Entrata at Edward Barber na Loving In Tandem ang pamagat.

"Actually ang initial reaction namin 'Hala kontrabida tayo' pero at the end of the day sabi ko walang problema kung ano man ang ibigay na role. We’re more than grateful para tanggapin yun at talagang gagalingan talaga namin," sabi pa ni Kisses.

 

Kuwento ni Kisses at Marco, nakatakda ng ilabas ang teaser anytime soon na dapat abangan ng kanilang mga taga subaybay. "Nakatapos na po kami mag-dub ng teaser sa movie na nasa finishing touches ngayon. Nakapanuod kami ng kaunti doon and parang sobrang nakakatuwa po.," ani pa ni Kisses. Magkahalong kilig at excitement naman ang naramdaman ni Marco nang mapanuod niya ang teaser ng kanilang upcoming movie. "Ako ‘di ba dapat pag lalaki usually matapang, matigas ang loob. Pero nung nakita ko po yung teaser kinilig po ako. Teaser palang kasi andon yung pinaghirapan namin sa maikling segundo ng teaser, andon kaya nakakatuwa kasi ang ganda ng kinalabasan," pahayag pa ni Marco.