• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Randy na may plano ang Diyos sa kanyang anak na si Ryan.

Randy Santiago sa pagpanaw ng anak na si Ryan: 'Tanggap...pero masakit'

Sinabi ni Randy na may plano ang Diyos sa kanyang anak na si Ryan.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/15/2017 01:52 PM
Randy Santiago sa pagpanaw ng anak na si Ryan: 'Tanggap...pero masakit'

 

Hindi maipaliwanag na kalungkutan ang nararamdaman ni Randy Santiago sa pagpanaw ng kanyang anak na si Ryan Leonardo Santiago na binawian ng buhay August 13.

Twenty-four years old na si Ryan at na hospitalized dahil sa fungal virus at mayroon ding rare brain desease at multiple sclerosis na nagpahirap dito sa loob halos ng tatlong taon.


Bukod sa pamilya, dumalaw na para makiramay ang showbiz personalities na malapit kay Randy at sa asawa niyang si Marilou na sina Martin Nievera, Gary Valenciano at marami pang iba.

Kahit hirap ang kalooban, nagbigay pahayag si Randy sa La Salle Greenhills Chapel kung saan nakaburol si Ryan. Sinabi ni Randy na may mas magandang plano ang Diyos sa kanyang anak na tatlong taon ng nakikipaglaban sa sakit nito.

“Tanggap, pero mahirap… masakit. Lalo na kapag magulang, e. Pero siyempre, ang Panginoon, nandiyan para siguro… Baka may purpose siya kung bakit he had to leave and he had to go at an early age, dahil siyempre hindi naman siguro patagalin pa yung sickness niya,” sabi ni Randy.

Mapagmahal na anak at kapatid ang larawan ni Randy kay Ryan, na madalas kasama ng singer sa kanyang mga appointments sa showbiz.