Bago magtapos ang 2017, ilan sa mga malalaking OPM concerts ang hindi natin dapat palagpasin.
Una na dito ang Big Mouth, Big Heart, Big Night na isang benefit show ni Concert King Martin Nievera para sa mga katutubong dumagat ngayong August 19 sa Metro Tent Ortigas
Martin Nievera
May nakakasang concert ni singer-songwriter na si Ogie Alcasid ngayong August 25 sa Kia Theater na Nakakalokal.
Ogie Alcasid
All in one concert stage naman ang mga OPM Icons na sila Hadji Alejandro, Marco Sison at Rey Valera ngayong September 2 sa The Theater of Solaire.
OPM Icons
30th Anniversary concert naman ang handog ng Inspirational Diva na si Jamie Rivera sa September 8 sa Music Museum.
Jamie Rivera
All in one stage din ang Soul Brothers ngayong September 15 na sila Kris Lawrence, JayR at Billy Crawford para sa kanilang concert sa Kia Theater.
Soul Brothers
Kaabang-abang din ang first major concert ni Jake Zyrus ngayong October 6 sa Music Museum na nakilala noon bilang si Charice Pempengco.
Concert of the year naman ngayong 2017 ang Sold Out 30th Anniversary Concert ni Songbird Regine Velasquez na magaganap sa Mall of Asia Arena ngayong October 21 kung saan nakatakda niyang balikan ang ilan sa kanyang mga birit hits.