• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, gusto mag-level up sa action scenes.

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ready na nga ba sumabak sa action movie?

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, gusto mag-level up sa action scenes.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/15/2017 10:10 AM
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ready na nga ba sumabak sa action movie?

Proud at masayang-masaya ang box office tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa mainit na pagtanggap ng mga manunuod sa kanilang top rating teleserye na La Luna Sangre.

Kasabay ng mataas ng rating ang nag-level up na fight scenes na kanilang ginagawa para sa programa. Ayon kay Kathryn at Daniel, malaki ang naging tulong sa kanila ng fight directors na galing pa sa ibang bansa.

"Oo malaki ang pasasalamat namin sa pagtiwala di ba? Binigyan pa kami ng fight instructor from Singapore si Sir AC at si direk Lester na champion ng wushu para lalo pagandahin and sobrang appreciated namin yun," ani ni Daniel.


 

 

Makakapasok na si Malia sa building ng SMV Corporation! Abangan mamayang gabi sa #LaLunaSangreMisteryo! #LaLunaSangre

A post shared by La Luna Sangre (@lalunasangreofficial) on

Ayon pa kay Daniel, isa din sa ipinagpapasalamat niya ang pagiging bukas ng La Luna Sangre production team sa mga suggestion nila upang mas mapaganda pa ang kanilang programa.

"Dapat kasi arnis talaga ako noong una, pero gusto ko mag-try ng something na bago. Kasi sa arnis marami na magagaling na gumagawa nyan sa TV di ba? So ako sa long stick gusto ko ako una gumawa nun," saad pa ni Daniel.

Challenge naman para kay Kathryn ang pagbabago ng kanyang itsura para sa kanyang karakter na si Malia.

 

 

Tonight's hashtag #LaLunaSangreHinala 👀

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

"Mahirap. Siguro yung wig halos isang buwan ko nang suot tapos hindi naman joke yung wig. Tapos siyempre sa mga action scenes sa buong La Luna na talagang binibigay kasi lahat ng bawat isa ang best nila para sa show," sabi naman ni Kathyn.

Dahil well-trained na ang KathNiel sa kanilang mga maaksyong eksena, bukas din sila sa posibilidad na gumawa ng isang action movie.

 

 

MALIA

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

"We love to do more action po kung mabibigyan ng pagkakataon. Mahirap siya pero nai-enjoy namin ni DJ. Tapos kapag napanood mo, wala, iba sa pakiramadam," pagtatapos na pahayag ni Kathryn.