• Home
  • Fresh Scoops
  • Ian Veneracion umamin na feel na feel na pinag-aagawan nina Iza Calzado at Bea Alonzo.

EXCLUSIVE: Ian Veneracion, aminadong kasama sa trabaho ang tukso: ‘Tao lang naman tayo’

Ian Veneracion umamin na feel na feel na pinag-aagawan nina Iza Calzado at Bea Alonzo.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/15/2017 10:02 AM
EXCLUSIVE: Ian Veneracion, aminadong kasama sa trabaho ang tukso: ‘Tao lang naman tayo’

 

Pabiro namin tinanong si Ian Veneracion after ng appreciation lunch for selected entertainment press na ibinigay ng Conzace for him kung feel na feel ba niya ang karakter ni Anton Noble na pinag-aagawan nina Iza (Grace) at Bea (Andeng) sa A Love To Last.

Sagot ni Ian, “Definitely, nag-i-enjoy ako. Kasi hindi naman ako ganun in real life. Hahaha!”


Patuloy pa ng aktor, “Niloloko nga nila ako lagi pag nag-aaway sila, kunyari may eksena na nag-aaway si Grace at si Andeng tapos nasa set lang ako. Pupunta lang ako sa kanila, ‘Girls, girls, please! Ano ba? Ano ba?

“Tawa lang sila nang tawa. Tapos, ‘Ang kapal mo,’ ganyan lang sila, so inaasar din nila ako about it. So enjoy lang.”

Sa status ni Ian bilang isa sa pinakasikat na leading man sa TV, may nagbago ba sa kanyang lifestyle?

“Wala namang nagbago. I live in the same house, I have the same wife, I have the same car, guitar, so wala.

“Siguro the only big difference is marami na yung humihingi ng video greeting. And I am just enjoying the ride.

“Parang ayaw kong maapektuhan ng ganung… kasi sometimes naman may mga show ako na hindi rin gaanong napansin, merong napansin,” rason pa niya.

Eh, paano ba niya ini-enjoy ang success na meron siya ngayon?

“My personal basis for success is well, balanced diet—being healthy, mentally, spiritually and hindi masyadong nakadepende sa bank account or sa dami ng tumitili, di ba?

“Parang nakapa-temporary lang noon, eh, at sobrang mabilis mag-fluctuate. And I’ve been in the business long enough to realize that,” katwiran niya.

Aminado rin si Anton ng A Love To Last na marami talagang temptation sa showbiz.

“Siyempre naman, madami talaga. Ang dami nating kasama na napakagaganda,” pag-amin pa niya.

Eh, buti hindi siya natutukso?

“So far, okay pa naman ako. Pero of course, it’s a never ending process, I’m still working on it,” sabay tawa nang malakas ni Ian.

Dagdag ni Ian, “Kasi, siyempre, di ba, kasama yan siguro sa showbiz, nandyan ang temptations at tao lang naman tayo.

“Pero so far, okay pa naman ako. I’m still in a good place,” natatawang pagtataps sa PUSH ng Conzace celebrity endorser.