Daisy Reyes’s younger sister is candidate 28 in 2017 Miss World PH

Miss World Philippines to be revealed on September 3.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/15/2017 11:08 AM
Daisy Reyes’s younger sister is candidate 28 in 2017 Miss World PH
Photo credit to owners

 

Isa sa early favorites para sa 2017 Miss World Philippines si Sheila Marie Reyes, kapatid ni Daisy Reyes na lumaban sa Miss World 1996 sa India at nag-uwi ng parangal bilang Miss Personality.

Hindi na bago sa beauty pageants ang 22-year-old beauty mula sa Valenzuela City dahil siya rin ang kinoronahan bilang Miss Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela 2011, Miss ALCU 2012, Binibining Valenzuela Environment 2012, at Miss Republic of the Philippines Visayas 2015.


Sa kanyang social media post, proud si Sheila sa kanyang bagong laban sa mundo ng pageantry.

"Aaand it's official! So blessed to announce that I'm now a part of this year's beautiful batch of Miss World Philippines. Thanks to everyone who have supported me ever since. Can't make it without you. Promise to do my best and just enjoy every step of the way." sabi ni Shiela sa kanyang IG status.

Candidate #28 si Sheila at isa sa finalist ng talent competition ng 2017 Miss World PH. Dancing ang isa sa mga paborito niyang talento

Magaganap ang coronation night sa September 3 at inaasahan na magiging malakas muli ang laban ng bansa sa international pageant na ito na unang nakuha ni Megan Young para sa Pilipinas noong 2013.