Sharon Cuneta, inalala ang naging relasyon niya kay Robin Padilla

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

08/14/2017 10:00 AM
Sharon Cuneta, inalala ang naging relasyon niya kay Robin Padilla

 

Matapos purihin ni Robin Padilla ang Cinemalaya film entry na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha kung saan bida si Sharon Cuneta, nagpasalamat naman ang aktres sa action star dahil naging mabuting kaibigan niya ito.

“Isa sa pinakamatalik kong kaibigan na lagi kong mamahalin, at alam kong hanggang sa huling hininga mo mamahalin ako ... Maraming salamat, Robin ko,” ani Megastar sa kanyang social media post.


Inalala rin niya ang mga panahon kung saan hindi siya kinalimutan nito kahit sila ay hindi na magkasintahan. Nagkaroon ng tatlong pelikula ang dalawa at naging magkarelasyon din sa totoong buhay.

“Hanggang sa nabilanggo ka, sa sulat mo sa akin, sa ilang beses sinubok mong bumalik sa akin, sa tattoo mo (huwag mong mabura-bura yan. Di nila alam ang pinagdaanan natin baka dumanak ng dugo!)... nung namatay si Mommy ko, Ikaw lang ang nagpunta ng 2 beses. Iba nagtext lang kahit pa ang laking parte nila ng buhay ko... masaya ako at tahimik na ang buhay mo ngayon... na maligaya ka na at nandyan ka pa rin para sa akin...[sic],” post pa ni Sharon. 

 

Noon, iba ang dahilan ng pag-iyak ko tuwing naiisip kita, lalo nung kinailangan nating magkalayo ng bigla at di ko inaasahan... Ngayon, tuwing naisip kita naiiyak ako sa tuwa...kasi Ikaw Lang ang lagi ko pa rin naaasahan...kahit ang movie kong bago pinanood mo, nagpapicture ka sa tabi ng poster, at nagpost ka pa ng puri para sa maliit namin pero minamahal na movie... hanggang sa nabilanggo ka, sa sulat mo sa akin, sa ilang beses sinubok mong bumalik sa akin, sa tatoo mo (huwag mong mabura-bura yan. Di nila alam ang pinagdaanan natin baka dumanak ng dugo!)...nung namatay si Mommy ko, Ikaw lang ang nagpunta ng 2 beses. Iba nagtext lang kahit pa ang laking parte nila ng buhay ko... masaya ako at tahimik na ang buhay mo ngayon... na maligaya ka na at nandyan ka pa rin para sa akin... isa sa pinakamatalik kong kaibigan na lagi kong mamahalin, at alam kong hanggang sa huling hininga mo mamahalin ako... Maraming salamat, Robin ko. Tumanda na tayo kambal pa rin. Di bale - nahalata mo ba ganun pa rin itchura natin konting nag-age lang? Hahaha! Iba genes na minana natin! Alam ko nandyan ka lang palagi... ako rin. Pag may gusto nga ako ipabugbog Ikaw ang naiisip ko pagsumbungan eh! Alam mo naman yung di nila alam na kayo Lang ni Boss Vic ang may alam - hoodlum din ako. Pasensya na anak ni Ambo eh! Hahaha! Thank you again, my Robin. Love u always. Sharon (utang na loob tigilan mo na yung kakatawag sakin ng "Ma'am" at muntik na tayo Ikasal - ampanget! Hahaha! ❤️😘💕 @robinhoodpadilla

A post shared by Sharon (@reallysharoncuneta) on