• Home
  • Fresh Scoops
  • Could one of showbiz’ power couples be expecting their second child?

Sarah Lahbati answers pregnancy rumors

Could one of showbiz’ power couples be expecting their second child?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/15/2017 12:02 AM
Sarah Lahbati answers pregnancy rumors

 

Kasunod ng pinag usapang wedding proposal ni Richard Gutierrez sa partner nito na si Sarah Lahbati, umuugong ngayon ang ilang espekulasyon tungkol sa pagdadalang tao muli ng aktres.

 

 

The stars aligned in the universe and this happened. I'm marrying my best friend. ❤️

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) on

Sa panayam na ito ng PUSH kay Sarah, na present sa celebrity screening ng 100 Tula Para Kay Stella ng Viva Films, pinagtawanan lang ni Sarah ang balitang buntis na siya ulit.

 

 

Sarah Lahbati @sarahlahbati sinagot ang bali-balitang pagdadalang tao niyang muli #sarahlahbati

A post shared by Push (@pushalerts) on

"What? Totoo ba? (laugh) Well you'll never know, I'm full of surprises, and I don't really believe in a timeline, na parang kailangan ganito muna, ganito, ganyan. I had a baby before getting married but I knew in my mind na kami ni Chard ang mag-end up together," pahayag ni Sarah.

Hindi man kinumpirma, hindi din itinanggi ni Sarah kung parating na nga ba ang second baby nila ni Richard.

 

 

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) on

"So who knows if I have a baby before marriage or marriage then baby after, it doesn't matter to me as long as we're stable, happy and our family is growing din that's it," sabi pa ng aktres.

Tungkol naman sa usapin ng pag di-detalye sa kanilang kasal, timeout muna daw sina Sarah at Richard sa planning stage upang mag-focus sa kani-kanilang mga proyekto.

"We’re not really in a rush. Chard is busy with La Luna Sangre. Gusto ko pareho kami magplano and pareho kami hindi busy or wala masyado maraming pinag-iisapan, so probably I don't know by the end of next year or in two years? Who knows?" pagtatapos na pahayag ni Sarah.