• Home
  • Fresh Scoops
  • JC at Daniel, nagkainitan sa gitna ng Star Magic All-Star Basketball Game.

Matapos ang pisikalan sa basketball, JC De Vera at Daniel Padilla nagkaayos na nga ba?

JC at Daniel, nagkainitan sa gitna ng Star Magic All-Star Basketball Game.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/14/2017 09:05 AM
Matapos ang pisikalan sa basketball, JC De Vera at Daniel Padilla nagkaayos na nga ba?

 

Isa ang aktor na si JC De Vera sa mga celebrities na naglaro sa taunang Star Magic All-Star Basketball Game nitong Linggo sa Araneta Coliseum.

 


Kahit first timer, game na game na nakipag sabayan si JC sa mga Kapamilya stars kahit na nagkaroon ng kaunting sakitan sa pagitan nila ng aktor na si Daniel Padilla sa kasagsagan ng game.

"Sobrang intense pala sila no? First time ko maglaro. Wala ako last time. Hindi ko in-expect na ganun pala sila ka-intense. Pati ako nadala sa emotions," kwento ni JC.

Aminado si JC na ikinagulat niya ang emosyon ng bawat kalaro, at hindi niya inaasahan na kahit siya ay madadala dito.

"Kay DJ nag-sorry ako, sabi ko, 'Sorry bro tumaas ang emosyon ko.' Sabi niya, 'Hindi ayos lang basketball lang yan' tapos after ng game nag-sorry din naman ako sabi ko, 'Pasensya na hindi ko alam na ganito kayo ka intense' but in the end it’s a fun game," sabi pa ni JC.

Paglilinaw ng bida ng The Better Half, kasabay ng pagtatapos ng kanilang laban sa basketball, naayos naman din ang gusot sa pagitan nila Daniel.

"Wala naman maayos na, nagkausap kami kaagad, pareho lang kami nadala sa laro," pagtatapos ni JC.