• Home
  • Fresh Scoops
  • Basketball player Mark Cardona reveals he has bipolar disorder.

Mark Cardona explains why he tried to take his own life

Basketball player Mark Cardona reveals he has bipolar disorder.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

08/14/2017 08:41 AM
Mark Cardona explains why he tried to take his own life

 

Sa Rated K, isiniwalat ng basketball player na si Mark “Mac-Mac” Cardona o kilala rin sa bansag na Captain Hook sa basketball court, kung bakit siya nagtangkang mag-suicide.

Kwento niya, napansin ng kanyang ex-girlfriend na “may something wrong sa akin” at inudyok daw siya nitong mapatingin sa isang psychiatrist. “Ginawa naman namin yun. Yun nga na-diagnose ako na bipolar ako.”


Dagdag pa niya, “Pag depressed (ako), mag-isa lang ako sa room. Kapag masaya ako, talagang masaya ako.”

Nahirapan diumano si Mark sa pag-adjust sa mga gamot na nireseta sa kanya. “Nakakaantok po kasi yung medicine na binibigay sa amin. Lazy ka lang, mahina ang katawan mo, nanlalambot ka ganun.”

Hanggang isang araw na iwan siya ng kanyang ex-girlfriend. “Nagulat po ako na umalis siya sa bahay na dala niya ang mga gamit niya. Kino-convince ko siya na bumalik sa bahay pero ayaw na niya.”

Kung kaya nagtangka diumano si Mark magpakamatay sa sobrang depresyon niya nung araw na yun. “That night, ready na talaga ko, di ko po alam e. Bigla po akong nadepressed ng sobra.”

Kwento pa niya, “Siguro parang nasanay na ako dun sa medicine na tine-take ko and then ang dami kong gamot nun e. So sobrang depressed ko nun, stressed (out). Di ko alam kung anong gagawin ko. Nadepressed din ako sa basketball kasi hindi na ako nagagamit and then nakita ko yung gamot ko. Then tinake ko lahat, more than 100 po siguro ma’am. Kasi lumaki ako na broken family din, ayaw kong masira yung family ko.”

Lunes ng gabi ng magising si Mark at ang una niyang nakita nun ay ang kanyang ex-girlfriend. “Siya yung gumising sa akin.”

Nagsisi diumano si Mark sa kanyang ginawa lalo na nang makita niya ang kanyang maliliit na anak. “Sabi ko ba’t ko nagawa yun. Kaya po iyak ako ng iyak nung makita ko po sila, nung dinalaw po nila ako sa ospital.”