• Home
  • Fresh Scoops
  • Bela Padilla admits she is still good friends with ex-boyfriend Neil Arce

Bela Padilla admits she is still good friends with ex-boyfriend Neil Arce

The actress also shares how she has moved on from heartache and maintained her friendship with Neil.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/14/2017 9:54 AM
Bela Padilla admits she is still good friends with ex-boyfriend Neil Arce


Photo credits to neil_arce IG

 

Bida si Bela Padilla kasama si JC Santos sa 100 Tula Para Kay Stella na isa sa mga entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimila sa August 16. 

Sa press con ng naturang pelikula, naibahagi ni Bela sa entertainment press kung paano siya nagmu-move on kapag broken hearted siya.

Una nang nilinaw ni Bela na walang issue sa pagitan nila ni Angel Locsin na malapit ngayon sa ex-boyfriend niya na si Neil Arce.

"Si Angel binati ko pa siya nung nanalo siya (ng award), super okay kami," sabi ni Bela.

Ayon kay Bela walang rason kung patatagalin pa ang proseso ng healing dahil sayang lamang ang oras.

"Kasi kung patatagalin ko ako lang din naman ang masasaktan mind over matter, mahirap siya gawin eh, pero wala, dapat determined ka kung gusto mong maging masaya. I think yun ang personality ko, ayaw ko naman na nalulungkot ako kasi lahat na nga ng eksena ko umiiyak ako, kung pati ba naman sa totoong buhay iiyak ako baka naman mabaliw na ako," natatawang kwento pa ni Bela.

At kahit di na sila magkarelasyon ni Neil, maayos naman silang nagkakatrabaho at tinuturing niya itong isang mabuting kaibigan.

"Kasi nakikita ko kami ni Neil, hindi kami mawawala sa buhay ng isa't isa. If ever na magkaroon na siya ng asawa, ako ganun din, nakikita ko na we'll be around like maasahan ko si Neil kahit kailan," sabi pa ng aktres.

Dagdag pa ni Bela, "Hindi ko po alam sa side niya ha, pero sa side ko po if ever ba magkaroon ako ng asawa in the future parang kailangan nila tanggapin na package deal na kami ni Neil. Siguro eventually mag-grow yung friendship namin into parang magkapatid na lang, alam mo yun, parang hindi na talaga siya mawawala sa life ko," pagtatapos ni Bela.