• Home
  • Fresh Scoops
  • Very proud tito din si Vin sa kanyang pamangkin na si Alas Joaquin.

Vin Abrenica excited na makasama ang kapatid na si Aljur Abrenica sa sa isang project sa Kapamilya network

Very proud tito din si Vin sa kanyang pamangkin na si Alas Joaquin.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/14/2017 02:23 AM
Vin Abrenica excited na makasama ang kapatid na si Aljur Abrenica sa sa isang project sa Kapamilya network

 

Mula sa kanyang pag ganap bilang si Jepoy Madrigal sa Wildflower , humataw si Vin Abrenica sa pakikipag tagisan ng galing sa paglalaro ng basketball para sa taunang Star Magic All-Star Game kung saan nag laro siya para sa Red Team ni Daniel Padilla.

"Super saya. Hindi na ako kilala by my name. They call me Jepoy Madrigal now. Sobrang sarap sa pakiramdam. Nakaka-inspire to do better. Ayaw ko pa sabihin ang mangyayari, at baka ma-spoil pero we are doing something special na aabangan pa," pahayag ni Vin tungkol sa top-rating serye.


Abala man sa taping ng Wildflower, proud din si Vin sa bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Alas Joaquin, na anak ng kanyang kuya na si Aljur Abrenica at girlfriend nitong si Kylie Padilla.

 

Alas giving everyone at the hospital a glance goodbye ❤️❤️❤️

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on

"Yes, na-meet ko na ang pamangkin kong ‘yun. Super love ko siya. Napupuyat ako dahil sa kanya. I'll do my best as a tito. Gusto ko makilala ako ng bata. I want to have a very, very special relationship with that boy," ani pa ng binate.

Masaya din si Vin para sa kapatid na si Aljur para sa bagong simulain ng career nito bilang Kapamilya, at looking forward din siya na makasama ito para sa isang proyekto.

"I'm hoping one day magkatrabaho kami. I'm excited. Kahit anong show man lang or kahit guesting na kaming dalawa, that would be so nice. I'm looking forward to that day," sabi pa ni Vin.

Kuwento pa ni Vin, bilang nauna sa Kapamilya network nagbibigay din siya ng ilang tips para sa kapatid.

"Kasi ako usually yung nagtatanong sa kanya. Ang cute kasi, may one time nagtatawanan kami. Sinabi niya sa akin, ‘how is it kapag nasa ASAP?’ Sabi ko 'Kuya lahat masaya doon. Lahat on time, may discipline.' Sobrang nakakatuwa lang na give and take na kaming dalawa ngayon," pahayag pa ni Vin.