• Home
  • Fresh Scoops
  • Para kay Candy naging “mahirap at madali” ang challenge ng indie movie na “Star Na si Vandamme Stallone.”

EXCLUSIVE: Candy Pangilinan ibinahagi ang experience sa pag-arte kasama ang co-actors na may Down Syndrome

Para kay Candy naging “mahirap at madali” ang challenge ng indie movie na “Star Na si Vandamme Stallone.”

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/14/2017 02:37 AM
EXCLUSIVE: Candy Pangilinan ibinahagi ang experience sa pag-arte kasama ang co-actors na may Down Syndrome
Photo credits to realcandypangilinan IG

 

Bida si Candy Pangilinan sa pelikulang Star Na si Vandamme Stallone na kalahok sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino na tatakbo mula August 16-22. Kasama niya sa pelikula ang dalawang batang totoong may Down Syndrome na sina Paolo Pingol at Jadford Dilanco.

Sa interbyu ng PUSH kay Candy ay ibinahagi ng aktres ang experience niya working with two special children.


Ani Candy, “Mahirap at madali. For me, mas madali sa akin kasi down sila, hindi sila hyper so  mas madali silang ikalma, di ba?

“Mahirap naman in the sense na, for example, iuupo mo sila pero lilipat sila ng puwesto, eh, take na, so lumilipat na rin lang ako.  Hinaharap ko na lang sila, so, lumilipat yung buong kamera, ilaw, lumilipat lahat, ganu’n.

“At saka meron sila na parang habang umaarte biglang tumitigil. Yung parang nagsa-shut-off na sila, yung wala na. Ganun sila pareho.”

Kailangan din daw na walang tension at stress sa set habang nagsusyuting sila ng pelikula.

“Ang kalma namin sa set. Bawal yung… kahit nagmamadali kami dapat kalma lang. Kasi pag may nagsisigawan, nai-stress yung bagets,” pagtatapat pa niya.

Para kay Candy, maituturing niyang acting piece ang Star Na Si Vandamme Stallone.

“Siguro… parang oo. Ang masasabi ko lang, kumapit lang yung karakter sa akin. Kasi imposibleng hindi dahil kahit off-cam kailangan naming makipag-usap, makipag-bonding sa kanila, eh.

“Kasi kung hindi, walang continuity, eh. Mawawala kami, hindi sila lalapit sa akin,” pahayag pa niya.

Dugtong niya, “Ito yata yung ginawa kong pelikula na pagod na pagod ako pag-uwi ko. Kasi first indie ko nga ito, di ba,  wala pa akong nagawang indie dati dahil hindi naman ako in-offeran. Ha-ha-ha!”

Eh, kumusta naman ang experience na gumawa ng indie film?

“Walang tent. Hindi pala sila nagbibigay ng tent,” natatawa niyang  kuwento.

“Iba pala talaga ’no, nakakatuwa. Sa indie, walang masyadong lines, puro mata. Saka puro lakad nang lakad, tingin nang tingin, yung ganu’n. Ganun pala sa indie. Hindi masyadong nagsasalita,” sabi ulit niya.

Si Candy ay may anak na meron namang ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder) kaya alam niya how it feels na malagay sa sitwasyong ng mga magulang ng co-actors niyang may Down Syndrome.

“It was difficult. Of course, I know that because I also have a child with disability, di ba, so I know. It’s difficult and at the same time masasabi natin na parang… ano yan, eh, binigay na sa ‘yo, so i-embrace mo na lang.

“’Yung sa kanila kasi mas madaling i-handle yung Down Syndrome sila. Yung sa akin naman hindi ko mapapatigil, yung mapapaarte ko na ganyan, imposible. Yung pagka-hyper ko, mga five times  ng sa anak ko,” pagtatapos ni Candy sa PUSH.