Bela Padilla may special role sa Toni Gonzaga-Piolo Pascual movie

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/12/2017 10:06 AM
Bela Padilla may special role sa Toni Gonzaga-Piolo Pascual movie

 

Single at ready to mingle pa din ang aktres na si Bela Padilla matapos ang naging hiwalayan nila ni Neil Arce. Natutukso man ngayon sa iba-ibang pangalan sa showbiz, mas pinili pa din ngayon ni Bela na gugulin ang kanyang oras para sa sarili.

Abala ang aktres sa kabi-kabilang proyekto, kasama dito ang 100 Tula Para kay Stella na kalahok sa unang Pista ng Pelikulang Pilipino kung saan kapreha niya si JC Santos.

Bukod sa pag-arte sa harapan ng kamera, parte din si Bela ngayon bilang screenplay writer ng upcoming Star Cinema movie ni Piolo Pascual at Toni Gonzaga at ng iba pang upcoming projects.

 

Here we go!!!

A post shared by Neil Arce (@neil_arce) on

"Yes yung kay Toni-Piolo movie. Tapos five concepts po namin ang approved na with Neil Arce, Boy II Quizon. I'm under NSquared po kasi but as of now I won't talk about my story po muna kasi ako nagsulat. Parang nakakahiya naman po, pero yung movie na ginagawa ni direk Joyce (Bernal) is with Piolo and Toni is epic."

Pagmamalaki pa ni Bela na isa siyang fan ni Toni kung kaya masayang-masaya siya na magiging parte siya ng proyekto na ito.

"Noong sinusulat ko siya, hindi ko talaga alam kung para kanino. Pero nung malaman ko na sa Toni-Piolo movie gagamitin, medyo na-tense ako kasi pinapanuod ko talaga si Toni noon pa. Kaya in my perspective, dahil sa galing din ni direk Joyce, Piolo, and Toni parang magiging classic film po siya, I hope," pahayag pa ni Bela.