• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro shares why he has not yet popped the big question to his longtime girlfriend Tanya Winona Bautista.

Vhong Navarro on his secret wedding plans: ‘Parang nalalapit na yung oras talaga’

Vhong Navarro shares why he has not yet popped the big question to his longtime girlfriend Tanya Winona Bautista.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

08/11/2017 09:50 AM
Vhong Navarro on his secret wedding plans: ‘Parang nalalapit na yung oras talaga’

 

As the premiere date of his latest Regal Films project Woke Up Like This draws near, Vhong Navarro said he is excited for his fans to see his latest comedy with Lovi Poe. “Sobrang excited na kinakabahan ako sobra. Bago kasi ipalabas ang Woke Up Like This, maraming magagandang inilabas. Hindi ko naman sinasabing kailangan mahigitan namin or mapantayan namin basta ng hangarin namin ay makalimot pansandali ang mga taong may mga problema at mga pinagdadaanan natin sa buhay. Mapasaya natin sila sa pelikulang Woke Up Like This. So yun na lang yung hangarin ko talaga, magpasaya ng tao. Makalimot ka lang kahit isang oras at kalahati,” he shared during the Woke Up Like This blogcon held last August 10 in Quezon city.

Although he had already worked with Lovi once on Shake, Rattle, & Roll in 2012, Vhong said it was only in Woke Up Like This that they really got to talk. “Yung shooting namin at that time Shake, Rattle, & Roll eh so kokonti lang yung bawat shooting days namin dahil tatlong storya. So bihira kami mag-usap. Ang role namin din mag-jowa kami pero dahil siguro sa ikli ng panahon hindi kami masyado nakapag-usap. Interesting pala yung personality ni Lovi noon na-intimidate ako eh kasi baka Inglisera, sosyal, hindi ako pumasa, jologs ako eh. Baka hindi kami magkaintindihan. Dito na-discover ko na meron pala siyang side na magiging kalog, yung cowboy din pala siya, ganyan,” he recalled.


Despite being hit with intrigues again this year, Vhong said he has remained strong. “Totoo. Alam mo pinagmamalaki ko talaga ang Panginoon totoong-totoo siya eh. Talagang sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, sa bawat dasal ko, talagang pinapanatag ako ng loob ng Panginoon. Siya yung nag-ga-guide sa akin kung ano yung mga dapat kong gawin. Siya yung nag-ga-guide sa akin kung ano yung pinagdadaanan ko sa buhay malalagpasan mo lahat yan. Siya yung nag-ga-guide sa akin na kaya ko pa rin magpasaya ng tao sa lahat ng mga pinagdadaanan ko sa buhay. Dasal lang. Dasal lang talaga at saka yung mga taong naniniwala sa ‘yo, yung mga nagmamahal sa ‘yo, alam ko nandiyan lang sila lahat at naniniwala sila lahat sa akin,” he said.

The Woke Up Like This actor said truth has and will always be on his side. “Eh kasi una sa lahat hindi ako nagsinungaling eh. Kumbaga lahat naman sinabi ko na. Siguro naman alam ng Panginoon kung ano yung totoo, kumbaga naniniwala Siya sa akin. Yun yung totoo eh sinabi ko lahat. Kaya lang siguro ako blessed until now kasi alam Niya na sinabi ko lahat,” he added.

The 40-year-old actor also admitted he is just preparing himself to propose to his non-showbiz girlfriend Tanya Winona Bautista. “Sabi ko naman wala ng iba. Gusto ko siya na talaga. Wala na akong ibang hahanapin pa dahil siguro ngayon parang ang nangyari kasi sa edad eh. Especially sa girl, yung edad talaga. Kasi yung panahon parang time bomb na eh, parang nalalapit na yung oras talaga. Ako bume-buwelo lang naman talaga. Siyempre ayoko naman i-announce kung kelan di ba? So maganda ma-surprise pa rin siya,” he shared.

After turning 40 last January, the It’s Showtime host said he has appreciated everything his girlfriend has done for him through the years. “Alam niya eh, naintindihan niya ako. Marami lang talagang nauna lang dahil ang hirap kung pagsa-sabay sabayin ko. Baka hindi kayanin eh. Napaksuwerte ko lang alam mo na sobrang understanding, sobrang mahal na mahal niya ako. Talagang wala ka ng hahanapin pa. Kaya siguro binigay talaga siya sa akin ni God kasi alam Niya siya yung makakaintindi sa akin. Siya yung lakas ko eh. Marami pa akong tinatapos lang. Basta soon yan. Soon. Ngayon priority ko talaga, dahil binigyan ako ng talent ng Panginoon na magpasaya ng tao kaya binibigay ko sa kanya. Kahit ano pa ang pinagdadaanan ko, ang gusto magpasaya ng tao. Kung ano pa ang pinagdadaanan ko sa buhay, pumapasok ako sa Showtime para magpasaya ng tao,” he shared.