• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta speaks up on recent intrigues involving her and her fellow The Voice coaches.

Sharon Cuneta: ‘Hindi ako yung tinutukoy ni Lea (Salonga)'

Sharon Cuneta speaks up on recent intrigues involving her and her fellow The Voice coaches.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

08/11/2017 09:29 AM
Sharon Cuneta: ‘Hindi ako yung tinutukoy ni Lea (Salonga)'

 

Sa Tonight with Boy Abunda, nagbigay ng pahayag si Sharon Cuneta tungkol sa mga kontrobersiya na kinasangkutan niya kamakailan lang. Tungkol ito diumano sa hindi pagpansin ni Sharon sa Pop Star royalty na si Sarah Geronimo. Si Sharon din diumano ang pinapatamaan ni Lea sa kanyang tweet tungkol sa pagkakaiba ng “real humility and false modesty.

Ani Sharon, “She (Sarah) sent a message through a friend of ours kasi nag-crash yung phone ko. Si Sarah talaga ayaw niyang pumapatol sa ganun e. It was a beautiful text. Sa amin wala kaming problem. I’m so over it. Hindi ako yung tinutukoy ni Lea. Lea and I have remained in touch. Hindi niyo kami mabubuwag kasi matibay kami. I respect her so much. I think the feeling is mutual. Wag niyo na kaming guluhin, mamaya baka pati si Bamboo isali niyo, nananahimik yung tao.”