• Home
  • Fresh Scoops
  • Ian Veneracion natuwa nang na-appreciate ni Sharon Cuneta ang kanyang efforts.

Ian Veneracion nag-react sa posibilad na makatambal si Sharon Cuneta sa pelikula

Ian Veneracion natuwa nang na-appreciate ni Sharon Cuneta ang kanyang efforts.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/11/2017 09:43 AM
Ian Veneracion nag-react sa posibilad na makatambal si Sharon Cuneta sa pelikula
Photo credits to the owner

 

Isa si Megastar Sharon Cuneta sa mga aminadong ‘Instant Fan’ ngayon ni Ian Veneracion after ng successful US concert tour niya kung saan naging bahagi ang aktor.

Mula sa naging magandang chemistry ni Sharon at Ian sa concert stage, tila ilan sa mga Sharonians ang napusuan si Ian bilang bagong leading man ni Megastar sa kanyang pagbabalik pelikula.


Read: Sharon Cuneta at Ian Veneracion movie, posible ba?

Sa naging panayam na ito ng PUSH, naitanong natin kay Ian kung bukas ba siya sa mga posibilad na ito.

"Definitely I'm open with that, working with Sharon Cuneta on stage or in front of a camera is always a thing," panimula ni Ian.

Dahil nag-umpisa sa biruan, nilinaw ni Ian na wala pang pag-uusap tungkol dito.

"Ako, I'll be honored to be part of that pero sa ngayon wala pa akong alam at idea kung may niluluto nga silang project na ganun (laughs). Mapagbiro lang talaga yun," paliwanag pa ni Ian.

Bukod dito, nagpasalamat din si Ian sa pahayag ni Megastar para sa pagiging Instant Fan nito sa aktor.

 

Ian Veneracion with his #1 fan!đŸ’•đŸ¤—

A post shared by Sharon (@reallysharoncuneta) on

"Nakakatuwa kasi she's very appreciative, kasi yung schedule ko that time ng concert is sobrang hectic talaga. Isipin mo yun going to Los Angeles and sing a few songs then uwi, para sa akin kasi commitment yun e. Hindi ko naman akalain na magiging ganun ka-tight ang schedule ko and yun sinabi naman niya na na-appreciate niya yun ng todo and ako naman I'm just happy," sabi pa ni Ian.

Napagod man sa tatlong beses na pagpabalik-balik sa America, baon naman ni Ian ang experience na para sa kanya ay hindi niya malilimutan.

 

Ian & Sharon at the Alex Theater, Glendale, CA. June 24, 2017. Thank you for giving us a sold-out show!

A post shared by Sharon (@reallysharoncuneta) on

"What a wonderful experience. First time ko na-experience yung ganun kalaking concert tapos live ka kakanta. Just me then Louie Ocampo mag-back up sa ‘yo ng strings, tapos ka-duet ko si Sharon parang, wow. Never ever imagined na I'll be on the same stage sa ganun," pahayag pa ni Ian.

Sa ngayon, gabi-gabi pa din inaabangan si Ian bilang si Anton Noble sa top rating kilig teleserye na A Love To Last.