• Home
  • Fresh Scoops
  • Makakasama ni Judy Ann Santos si Angelica Panganiban sa isang light comedy.

Judy Ann Santos, nagbigay ng detalye sa kanyang movie comeback

Makakasama ni Judy Ann Santos si Angelica Panganiban sa isang light comedy.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/11/2017 07:09 AM
Judy Ann Santos, nagbigay ng detalye sa kanyang movie comeback

 

Magbabalik pelikula si Judy Ann Santos sa isang light comedy Ang Dalawang Mrs. Reyes ng Quantum films, Star Cinema, at Idea First kung saan makakasama niya si Angelica Panganiban.

Maraming pelikula ang nai-offer kay Juday pero bakit nga ba ito ang kanyang napiling istorya?

"It’s the perfect material na di ini-expect ng mga tao kung ano ang pwede mangyari sa aming pelikula," paliwanag ni Juday.

Aminado si Juday na isa siyang fan ni Angelica na gaya niya ay nagsimula din bilang child star.

"Si Angelica naman may on and off button din ito eh. Parang keme keme lang kapag ganito, pero kapag gumiling na ang kamera sisiryosohin niya to the point na ‘di mo alam kung saan niya dadalhin ang eksena," sabi pa ni Juday.

Ayon pa kay Juday, mas nanaig ang excitement niya na maka-eksena na si Angelica ngayong mas matured na ito.

"Yung pag blossom niya and pagtalon niya bilang aktres, ang laki ng talon. Kaya I'm so happy and mas excited ako na makatrabaho si Angelica kasi gusto niya ma-experience yung total package talaga siya as an actress," pahayag pa ni Juday.

Sa ngayon, nagsisimula na si Judy Ann at Angelica ng kanilang shooting at nakatakda din ang kanilang pag lipad papuntang Taiwan upang kuhanan ang ilan sa malalaking eksena ng pelikula.