• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola also reveals what would make her say yes to Luis Manzano.

Jessy Mendiola admits spat with Banana Sundae’s wardrobe assistant

Jessy Mendiola also reveals what would make her say yes to Luis Manzano.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

08/11/2017 07:13 AM
Jessy Mendiola admits spat with Banana Sundae’s wardrobe assistant

 

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Jessy Mendiola na nagkaroon sila ng alitan ng wardrobe assistant ng Banana Sundae. “Totoo po na merong misunderstanding na nangyari sa akin saka sa wardrobe at that time…”

Paliwanag niya, “May kanya-kanya siguro tayong traits na hindi natin alam na nakaka-offend sa ibang tao. So nung time na yun, I’m not sure if I was being overly sensitive or siguro talagang nung time na yun feeling ko may maling nagawa sa akin. I got offended… but it’s all settled now. He said sorry to me. He apologized and I gladly accepted his apologies naman.”


Nilinaw din ni Jessy na wala siyang problema sa cast ng show. 

Nang tanungin naman kung ano makakapag-yes sa kanya kung sakaling mag-propose sa kanya si Luis Manzano, sabi ni Jessy, “I love him very much and he makes me a better person.”

At “no” naman daw kasi, “marami akong kailangang gawin and he knows that and sabi naman niya he’s willing to wait and I think na kapag may lalaking nagsabi sa iyo nun it’s all worth it.”