Charice Pempengco “mabubuhay” sa concert ni Jake Zyrus

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/10/2017 08:23 PM
Charice Pempengco “mabubuhay” sa concert ni Jake Zyrus
Photo Credit: @jakezyrusmusic

 

Ipapakilala ni Charice Pempengco ang kanyang bagong musika at sarili bilang si Jake Zyrus sa kanyang unang concert ngayong darating na October.

 


 

BTS | I Am Jake Zyrus Concert | 10.06.2017 | Music Museum

A post shared by Jake Zyrus (@jakezyrusmusic) on

 

Inuulan man ng samu't saring komento mula sa netizens dahil sa kanyang pagiging transman at pagpapalit ng pangalan ay hindi natinag si Jake sa mga ito.

"Basta alam mo sa sarili mo totoo ka kahit, negative or positive na sasabihin sa iyo ng mga tao at the end if the day nasasaiyo ang desisyon. Ikaw ang may power kung gusto mo sumaya o gusto mo maging miserable," ani pa ng singer.

Malaki man ang kanyang ipinagbago, nagpapasalamat din si Jake sa mga Chasters na walang sawa pa din ang suporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

 

 

Sa kanyang first major concert ngayong October 6 sa Music Museum na I am Jake Zyrus, asahan din daw ang “pagpaparamdam” ng dating Charice sa isang duet with Jake.