Talent manager and movie scribe Alfie Lorenzo passes away

According to close friend Lolit Solis, Alfie Lorenzo suffered a heart attack last night.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/1/2017 10:06 AM
Talent manager and movie scribe Alfie Lorenzo passes away


 

Pumanaw na ang veteran talent manager at movie scribe na si Alfie Lorenzo sa edad na 78. Sa isang radio interview kinumpirma ng malapit na kaibigan na si Lolit Solis ang balita.

Ayon sa interview inatake sa puso si Alfie kagabi sa Solaire at dinala pa ito sa San Juan De Dios Hospital sa Maynila pero hindi na ito nabigyan ng lunas.

Sa ngayon ang kanyang former talent at most successful na inalagaang artista na si Judy Ann Santos ang nag-aayos sa mga naiwan ng talent manager.

Naging makulay ang buhay showbiz ni Alfie Lorenzo - nagkaroon siya ng radio program sa DZMM na "Whats It All About Alfie?" at regular na kolumnista sa Abante Tabloid.

Isa rin si Alfie sa original publicists ng Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde at discoverer ng celebrities.