Mariel de Leon, gustong gumanap bilang Dyesebel?

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

08/01/2017 07:43 PM
Mariel de Leon, gustong gumanap bilang Dyesebel?
Photo credits to marieldeleonclub IG

Ginulat ni 2017 Binibining Pilipinas-International Mariel de Leon ang kanyang Twitter followers nang sagutin niya ang tanong kung papayag ba siyang gumanap bilang si Dyesebel.

“Dyesebel? First time I've heard that. No offers but if there was one, I would love to do it after Miss International,” sagot ng beauty queen.

Sa November na gaganapin ang Miss International pageant kaya puspusan na din ang preparation ni Mariel para dito. Pinaghahandaan na rin ni Mariel ang kanyang unang project sa showbiz bilang leading lady ni Coco Martin sa 2017 Metro Manila Film Festival entry na Ang Panday.

Si Mariel ay anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong, na parehong batikang mga artista.