• Home
  • Fresh Scoops
  • Bumuhos ang pakikiramay sa social media ng malalapit na kaibigan at kasamahan sa trabaho ng batikang talent manager at entertainment columnist na si Alfie Lorenzo.

Friends remember Alfie Lorenzo

Bumuhos ang pakikiramay sa social media ng malalapit na kaibigan at kasamahan sa trabaho ng batikang talent manager at entertainment columnist na si Alfie Lorenzo.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/01/2017 08:10 PM
Friends remember Alfie Lorenzo

 

Bumuhos ang pakikiramay sa social media ng malalapit na kaibigan at kasamahan sa trabaho ng batikang talent manager at entertainment columnist na si Alfie Lorenzo.

Pumanaw si Alfie sa edad na 78 years old ng atakihin ito sa puso habang nasa isang hotel-casino kaninang umaga sa Pasay (August 1).


Read : Alfie Lorenzo passes away

Kaugnay nito ilan na sa mga kilalang malapit sa entertainment columnist ang nagpaabot na ng pakikiramay dito kabilang na ang kapwa entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis.

 

Alam n’yo ba morbid isipin pero isang bagay lagi ang nasa isip ko. Sino mag-aasikaso pag na dead ako? Kasi nung namatay si Douglas Quijano nakita ko kung paano asikasuhin ni Richard Gomez at iba niyang alaga ang wake niya. Nang mamatay si Wyngard Tracy asikasong-asikaso ni Maricel Soriano ang wake niya kaya minsan tinanong ko si Perry Lansingan, sino ang mag-aasikaso sa kanya. Sabi niya sure raw siya na ‘di pababayaan ni Dingdong Dantes. Si Angge, si Sylvia Sanchez ang nag-asikaso. Kadalasan kasi iyon mismong pamilya mo, hindi alam ang gagawin at kadalasan ‘di naman nila kilala ang mga taong nasa showbiz kaya ang nag-aasikaso iyong mga kasamahan mo, alaga mo na taga-showbiz din. Sa akin nun, ang pangalan ni Rudy Fernandez ang nasa name to contact in time of emergency. Pero nauna nga siya 'umalis' kaya ngayon bahala na si Gorgy Rula mag-asikaso. Hah hah hah. Bigyan ng assignment sila ni Salve Asis na madalas ko pagalitan dahil talaga una siya sa nag-aasikaso pag maysakit siyang kaibigan. Gusto kong pasalamatan si Judy Ann Santos-Agoncillo dahil sa ipinakita niyang pagmamahal kay Alfie Lorenzo na parang tatay na niya. Kahit minsan may tampuhan sila, siya pa rin ang unang tumulong at nag-asikaso, isang patibay na sa showbiz uso pa rin ang utang na loob. Andun pa rin ang wagas magmahal at palagay ko kahit sa kabilang buhay tiyak na gagabayan pa rin ni Alfie si Judy Ann dahil ang mga manager o handler feeling nila talaga pamilya ang alaga nila. Hay naku isa na naman ang nawala sa mga kasama ko sa album, kaya nga kung minsan nalulungkot ako na tingnan mga old photos. Dami memories, dami flashbacks, dami mga bagay na bumabalik sa alaala. Faded photographs prayers for you my friends. #70naako #lolitkulit #instatalk 🙏🏻❤ @gorgyrula @salveasis

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Nagpaabot din ng pakikiramay ang isa sa mga kaibigan ni Alfie na si Isah Red na Entertainment Editor ng Manila Standard.

Pakikiramay din ang ipinaabot ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) na mga nakatrabaho ni Alfie noong siya ay nabubuhay pa.

Bukod sa mga kasamahan sa trabaho naglahad din ng maikling statement ang isa sa mga kilalang naging alaga ni Alfie na si Judy Ann Santos sa kanyang social media account.

 

🙏🏻🙏🏻

A post shared by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

Inaasahan na bubuhos pa ang mga makikiramay kay Alfie mula sa kanyang mga nakasama sa Industriya.

Ayon sa balita nakatakdang ilalagak sa Arlington Funeral Homes sa Araneta Ave Quezon City ang kanyang mga labi.