• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Philippines Earth 2012 Stephany Stefanowitz speaks up on possibility of a relationship with Gab Valenciano.

EXCLUSIVE: Miss Philippines Earth 2012 Stephany Stefanowitz clarifies ‘relationship issue’ with Gab Valenciano

Miss Philippines Earth 2012 Stephany Stefanowitz speaks up on possibility of a relationship with Gab Valenciano.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/01/2017 09:29 AM
EXCLUSIVE: Miss Philippines Earth 2012 Stephany Stefanowitz clarifies ‘relationship issue’ with Gab Valenciano

 

Inakala ng marami na si Miss Philippines Earth 2012 Stephany Stefanowitz ang bagong idini-date ni Gab Valenciano. Pero ayon sa beauty queen, nagpasama lang siya kay Gab sa Anilao para mag-dive at maaaring do’n daw nagsimula ang tsismis sa kanilang dalawa.

“Naikuwento ko kasi sa kanya na don namin tinapon ng family ko yung ashes ng father ko sa Anilao. Hindi pa ako nakakapunta ulit don to visit him. And it’s been nine years.


“Ayun, he made an effort. Sabi niya, ‘Tara! Tara!’ Diver kasi siya, eh, at do’n din yung dive spots niya. ‘Tara, let’s go!’

“Ganun lang ka-casual. And for me, siyempre, very emotional yon kasi it’s been awhile since I visited my father and I really thanked him and we’re just really, really parang like best friends right now,” kuwento ng beauty queen sa PUSH.

May pag-asa ba si Gab if ever na ligawan siya nito?

“We’ll see, we’ll see. I cannot answer that right now. I can really not answer that right now because as of now talaga ang trato ko po sa kanya is really best friend. And we’ll see in the future, we never know.

“But as of now, we are just really, really good friends,” reaksyon ni Stephany na kung ia-analyze ay tila may pag-asa sa kanya si Gab.

Katatapos lang makipagrelasyon ni Stephany at para sa kanya isa yon sa pumipigil para ma-in love siya agad.

“Siguro, that’s why din also right now I just want to focus on myself muna. But I am not open to dating anyone, as of the moment. Just broke up nung January kasi, fresh pa lang din.”

Enjoy naman daw siya sa company ni Gab.

“I really enjoy Gab’s company. I really think he’s one of the most interesting persons I’ve ever met. Never po akong nagkakarelasyon ng showbiz talaga, eh.”

Napagkuwentuhan na ba nila ni Gab ang tungkol sa kani-kanilang past relationships?

Aniya, “Ako, honestly, if you know me well, I am not the type of person talaga that asks. Even to my other best friend, I just wait for them to open up to me. Sila na ang bahalang magsabi. I’m not the type of person na, ‘Anong nangyari, anong nangyari?’ I don’t really like asking.

“So, kung mag-o-open up siya, we’ll talk about it, but if not, then wala.”

Hindi rin daw magiging isyu ang past ni Gab with his ex-wife if ever ligawan siya nito.

“Personally, I don’t know the girl. I don’t know her and I don’t really talk about it that much. And I wish him well with whatever they’re going through. Pero as of now, magkaibigan lang po talaga kami ni Gab,” pagdidiin pa niya.

“And siguro, nilalagyan lang po ng flavor kasi nga we went diving,” hirit pa niya.

Nakausap ng PUSH si Stephany sa isang intimate gathering ng New Placenta by Psalmstre kung saan five years na siyang endorser. As an endorser, busy ngayon si Stephany sa campaign ng produkto na #FreeHugs kasama si Laurence Mossman ng isang singer at theater actor.