• Home
  • Fresh Scoops
  • Comedian-host Shalala reveals Bianca King was hurt by a previous blind item he wrote.

EXCLUSIVE: Comedian-host Shalala resolves issues with Bianca King in ‘Pusong Ligaw’

Comedian-host Shalala reveals Bianca King was hurt by a previous blind item he wrote.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/01/2017 08:52 AM
EXCLUSIVE: Comedian-host Shalala resolves issues with Bianca King in ‘Pusong Ligaw’

 

Ayon sa komedyante at radio and TV host na si Shalala, malaki ang naging impact sa buhay niya nang mapasama siya sa afternoon series ng ABS-CBN na Pusong Ligaw na pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Bianca King, Diego Loyzaga at Sofia Andres.

“Malaki kapatid, sobrang laki. Dati kasi sa GMA at do’n sa radio, nakakalabas ako pero ngayon hindi, may kuyog factor.


“Kaya nung nagsimba ako sa Quiapo, talagang lahat na lang ng nagbebenta ng sampaguita kailangang bilhan ko kasi nakaikot sila do’n. Tapos do’n sa gilid ng church, may nagse-selfie na hindi ko alam, yung ganu’n,” masayang kuwento ni Shalala sa PUSH.

Dagdag pa niya, “Iba na. Alam mo ang nagulat ako, kasi dati Shalala ang tawag nila sa akin pero ngayon Tita Asya (karakter niya sa Pusong Ligaw) na. Tita Asya ang tawag sa akin ng karamihan ng mga babae at mga bading.

“Happy ako sobra, kapatid. Kahit na mahirap siya (yung taping), kasi hindi ka talaga naglalaro sa taping, eh.

“Aktingan ito teh. Saka pag sinabing iyak, walang daya, walang eye mo-eye mo na nilalagay, totoo. Pero so far, awa naman ng Diyos nakakakaya ko.”

Eh, kumusta namang katrabaho si Bianca King na nakaaway niya dati dahil sa isang blind item?

“Alam mo kung sinong ka-close ko ngayon na na-surprise ako ay si Bianca King. Di ba dati nagkaroon kami ng isyu sa TV dahil na-blind item ko siya na may attitude, maldita, pero ngayon iba.

“Na-hurt pala siya talaga noon at sinabi niya yon sa akin. Pero ngayon close na kami. Ka-close ko rin lahat sina Beauty, si Sofia, lahat sila. Masaya.

Biro namin kay Shalala, totoo bang mas naging lapitin siya ngayon ng boylets dahil sa pagiging visible niya sa Pusong Ligaw?

“Oo. Ako naman sasabihin ko ang totoo,” sabay tawa niya nang malakas.

“Pati mga bikini models naglalapitan. Hahaha! Dati nga makapagbigay ka ng 1,000 okay na, ngayon dodoblehin mo na. Kasi ang sey sa akin, ‘Uy, pinapanood pa nga kita sa Pusong Ligaw.’ Yung ganu’n, nakakahiya di ba?” natatawa pa rin niyang kuwento.

Nai-share rin ni Shalala kung paano niya nakuha ang role ni Tita Asya sa Pusong Ligaw.

“Pinag-audition ako. Yung una sabi ko, naku, ang daming baklang nag-o-audition, karamihan taga-teatro at ang gagaling naman nila. Tapos sabi nila, sige tatawagan na lang daw ako.

“Hindi ako umaasa no’n kasi ang dami ngang magagaling. Then after a week tumawag sila para daw sa look test tapos may reading na ng script. Tapos nung nilagay na kami sa isang VIP room do’n ko na nararamdan na ako na yata ito.

“Tapos sabi nila sa akin, ‘Shalala, ang haba ng role mo dito.’ Yon, nataranta na ako. Pero proseso talaga kapatid, ang hirap,” pahayag ni Shalala.