• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariel will be entering her first acting venture via Coco Martin’s “Ang Panday.”

EXCLUSIVE: Why did Mariel de Leon decide to enter showbiz?

Mariel will be entering her first acting venture via Coco Martin’s “Ang Panday.”

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/10/2017 04:19 AM
EXCLUSIVE: Why did Mariel de Leon decide to enter showbiz?

 

Bakit nga ba biglang napapayag mag-artista si Mariel gayung sa simula pa lang ay ayaw niya naman mag-showbiz?

Marami ang nagtaka sa biglang pagpasok ni 2017 Binibining Pilipinas International Mariel de Leon sa pag-aartista gayung matindi ang pagtanggi niya noon na pasukin ang showbiz.


Si Mariel ang napiling leading-lady ni Coco Martin sa remake ng Ang Panday na official entry sa Metro Manila Film Festival ngayong Pasko.

Bakit nga ba siya napapayag mag-artista?

“Kasi, nung tinawag nila ako parang it would be not smart of me to turn down the opportunity kasi who gets a call na leading lady ka ni Coco Martin, tapos I had to ask myself, ‘Ba’t ako?’ Parang wala pa akong experience sa acting before as in konti lang.

“So parang it would be damn for me to say no, so of course I said yes,” paliwanag ni Mariel sa PUSH.

Ano ang naging reaksyon ng parents niya na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong, ngayong mag-aartista na rin siya?

Of course, supportive naman sila kasi dati pa they want me to join showbiz. They want me to act talaga, ako lang ang may ayaw at first. Kasi that thought na my dad is the king of drama, tapos Best Actor, ganun, kaya parang nakaka-pressure.

“Pero they assured me naman na this is my life, my career, who they are, what they did shouldn’t define me and my work. Pero of course, they also told me to do my best and really give my all to make them proud,” pahayag.

Inamin din ni Mariel na mas nakakaramdam siya ng pressure working with Coco for the first time.

Aniya, “Yeah, napi-pressure ako don. Oo, as in, kasi he’s a great, great actor. Hopefully, throughout this whole experience I can learn from him also. I know he’s a nice person naman so sana he’s patient with me.”

Hihingi din daw siya ng acting tips sa parents niya para makapaghanda siya sa pelikula.

“Definitely. Kasi first movie ko ito na parang lead role so I really need all the help that I can get,” pagtatapos ni Mariel sa PUSH.