• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jeric Raval considers Monica Herrera his greatest love

EXCLUSIVE: Jeric Raval considers Monica Herrera his greatest love

The action star also introduces his daughter Janina Herrera.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/9/2017 12:45 AM
EXCLUSIVE: Jeric Raval considers Monica Herrera his greatest love


 

Bago pa nag-artista at ini-launch ng OctoArts Films sa maraming action movies ay meron na palang asawa si Jeric Raval kung saan nagkaroon siya ng isang anak. Kailangan daw itong itago para hindi maapektuhan ang kanyang image as a newcomer action star.

“Siyempre, at that time, sina Boss Orly (Ilacad), ang gusto nila itago kasi nga baguhan pa lang din ako.”

Hanggang nakilala niya ang sexy star na si Monica Herrera at na-inlove siya dito.

Nagkaroon sila ng 3 anak – sina Joshua, Jennica at Janina. Pero hindi rin sila nagtagal.

“1994 kami naghiwalay. Tapos nagkabalikan kami 1998. Nag-asawa siya (Australian/Filipino) after naming maghiwalay tapos nung naghiwalay sila ng asawa niya, doon ulit kami nagkabalikan.

“Nung nagkabalikan kami, si Janina na yung huli naming naging anak,” kuwento ni Jeric sa PUSH.

After nilang maghiwalay ulit ni Monica ay hindi na ulit nag-asawa si Jeric.

“Hindi na.”

Pa-girlfriend-girlfriend na lang?

“Hindi rin. Sakit sa ulo, eh. Time will come na magsisisi ka lang,” rason niya.

Maging si Monica ay hindi na rin daw nag-asawa ng iba.

Maituturing ba niyang greatest love si Monica?

“Siguro… kasi hindi naman kayo magkakabalikan kung hindi di ba?” pag-amin ni Jeric.

“Kahit naman nagkahiwalay kami continue pa rin naman ang communication namin. Minsan yung iba, pag may nagtatanong hindi na lang namin sinasagot. Kaya lang, yung mga bata malalaki na rin, siyempre hindi maiwasang di maitanong.”

Eh, kumusta na ba si Monica ngayon? Ayaw na ba niyang mag-artista ulit?

“Mataba siya ngayon. Andon siya sa mommy niya.

“Ayaw na niya, eh. Sinawaan na,” sagot ni Jeric.

Kasama si Jeric sa pelikulang Double Barrel ng Viva Films starring AJ Muhlach and Phoebe Walker.

Sa presscon ng pelikula ay isang magandang dalaga ang kasama niya at napagkamalan girlfriend niya.

“Anak ko yan, si Janina,” sabi niya sa amin.

Eh, anong feeling na napapagkamalang girlfriend niya ang anak?

“Natatawa lang ako. Madalas mangyari yon at sanay na ako… sanay na ako sa ganun.”

Nineteen years old na si Janina at kapipirma lang niya ng kontrata sa Viva.

 

Mothaaah 😘❤️👯

A post shared by Janina Carly Herrera (@rock.aina) on