• Home
  • Fresh Scoops
  • Ali Khatibi says wife Cristine Reyes shouldn’t be worried about other women trying to get his attention.

EXCLUSIVE: Ali Khatibi on temptations in showbiz: ‘It makes you more of a man kung nakakapagpigil ka’

Ali Khatibi says wife Cristine Reyes shouldn’t be worried about other women trying to get his attention.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/09/2017 09:30 AM
EXCLUSIVE: Ali Khatibi on temptations in showbiz: ‘It makes you more of a man kung nakakapagpigil ka’
Photo credit @mralikhatibi IG

 

Ayon sa kuwento ni Ali Khatibi, asawa ni Cristine Reyes, wala muna silang balak sundan ang baby nilang si Amarah who is now two years and five months old.

“Actually, si Cristine gusto na, ako naman, parang huwag muna. Kasi, siyempre, gusto ko pang i-enjoy si Amarah,” pag-amin ni Ali na kasama rin sa pelikulang Double Barrel ng Viva Films.


Patuloy pa ng mixed martial arts champion, “Yung bahay namin kailangan munang bayaran. There are things to be done. Sabi ko, once na ma-settle namin yun then puwede na.

“Ako nga, ang gusto ko at least four kids, siya hindi daw, tatlo lang daw okey na.”

Ngayong artista na rin si Ali, siguradong kakaharapin din niya ang maraming temptasyon sa showbiz. Handa na ba siya dito?

“Alam mo, may mga girls din talaga dati kahit wala pa ako sa showbiz. Pero ako, especially ngayon na may asawa at anak ako, iba na rin.

“Kasi iniisip ko na pag may ginawa akong kalokohan, hindi ko lang niloloko yung asawa ko, pati yung anak ko niloko ko na rin,” katwiran ni Ali.

“That’s always in my head and I don’t want to risk anything na gagawa ako ng kalokohan tapos I will loose my family. I’d rather not.

“It makes you more of a man kung nakakapagpigil ka, di ba? Compared do’n sa kahit sinong babae kaya mong kunin, it doesn’t make you a better man,” dagdag pa niya.

Selosa pa rin ba si Cristine?

“Selosa? Ah, siguro dati,” kaswal niyang sagot.

“Ngayon naman, alam niya na iba na yung buhay mag-asawa. I guess, yung tiwala niya nabigay naman niya sa akin. At saka secured na siya sa akin and I don’t give her any reason naman para magselos.”

Tinuturuan ba siya ni Cristine na sumagot sa tanong ng showbiz press since hindi naman siya sanay sa ganun?

“Actually, sinasabi ko kay Cristine na ang gusto ko talaga, I didn’t want to be part of the whole showbiz but I guess it’s inevitable. But I guess you get used to it. Nasasanay ka.

“Pagdating naman sa pagsagot sa mga questions, ang masasabi ko, si Cristine, totoong tao. Kaya minsan nami-misinterpret ng tao yung sinasabi niya kasi totoo siya, eh.

“So she’ll say whatever is in her head. Ako pa nga ang nagsasabi sa kanya na, ‘Oh, be careful with what you say.’ Kasi sobrang totoo niya, she treats everyone na parang kausap ka lang niya like a regular person.

“Ang advice lang naman niya sa akin, be yourself and be true and yon ang ginagawa ko rin. I’m just being myself, being true,” paliwanag pa niya.

Sa unang sabak niya sa pelikulang Double Barrel, ano naman ang advice sa kanya ng asawa?

“Ang sabi lang niya, alamin ko daw yung role ko at pag-aralan ko. And basically, sabi niya, ‘Galingan mo!’” pagtatapos ni Ali sa PUSH.