Boys of ‘Bloody Crayons’ movie reveal bonding moments

Boys of ‘Bloody Crayons’ share secrets from the set.

BY
Jeff Fernando
Follow me on Twitter: Jeff Fernando

FRESH SCOOPS

07/09/2017 09:19 AM
Boys of ‘Bloody Crayons’ movie reveal bonding moments

 

Ibinahagi ng male cast ng Bloody Crayons movie na sina Ronnie Alonte, Yves Flores, Elmo Magalona, Empoy Marquez, at Diego Loyzaga ang kanilang naging bonding moments sa set habang ginagawa ang suspense na pelikula na binigyang direksyon ni Topel Lee.

Ayon kay Ronnie, misteryoso ang kanyang papel sa pelikula na nagsimula at sumikat bilang Wattpad novel.


"Kahit papaano po nagawa ko ng mabuti ang role ko. Nakikita ko po iyung role cool lang na medyo maangas," sabi ni Ronnie.

Isa naman sa original cast ng Bloody Crayons si Yves na nag-worry sa maraming pagbabago na pinagdaanan ng pelikula.

"Siyempre natakot ka kasi kasama ka sa cast tapos iyung ibang kasama mo wala. Matagal din wala, almost a year. Tapos bigla nag-meeting tapos sila na kasama ko," kuwento ni Yves.

Wala namang issue sa ElNella tandem nina Elmo Magalona at Janella Salvador kung di sila ang tampok na bida kundi ang buong grupo sa kabuuan ng istorya. Para kay Elmo, malaking challenge sa kanila ni Janella ang kanilang role.

"Actually walang bida dito kumbaga hindi naman kami after doon. Lahat kami may sari-sarili kaming role sa movie," sabi ni Elmo.

Something differrent naman sa nakasanayan ng romantic comedy genre ang ipinagpasalamat ni Diego na sinusuportahan ang pagbabalik ng action at suspense movies.

"Ako lagi ko pinu-push na ibalik ang action genre, iyung thriller, iyung something different from the norm na romantic. So kakaiba ito and I’m happy na isa ako sa napili at natira sa cast ng Bloody Crayons," ayon kay Diego.

Si Empoy naman ang naging comic relief sa kuwento at nagbulgar pa kung sino ang pinakapasaway sa kanilang lahat.

"Serious suspense heartthrob! Pantay-pantay po sila lahat pero si Yves po ang kagi napi-principal’s office," pagtatapos ni Empoy.