• Home
  • Fresh Scoops
  • Humakot ng parangal ang Kapamilya artists sa katatapos na kauna-unahang The EDDYS o Entertainment Editors Awards.

Angel Locsin, John Lloyd Cruz at Boy Abunda wagi sa unang The Eddys Awards

Humakot ng parangal ang Kapamilya artists sa katatapos na kauna-unahang The EDDYS o Entertainment Editors Awards.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/10/2017 04:43 AM
Angel Locsin, John Lloyd Cruz at Boy Abunda wagi sa unang The Eddys Awards

 

Humakot ng parangal ang Kapamilya artists sa katatapos na kauna-unahang The EDDYS o Entertainment Editors Awards naginanap ngayong gabi, July 9, sa Kia Theater.

Wagi bilang Best Supporting Actress si Angel Locsin para sa pelikulang Everything About Her, at Best Supporting Actor naman si John Lloyd Cruz para sa pelikulang Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz.


Itinanghal naman bilang Best Actress si Star for All Seasons at Cong. Vilma Santos para sa pelikulang Everything About Her at Best Actor naman para sa pelikulang Die Beautiful si Paolo Ballesteros.

Naiuwi naman ng King of Talk na si Boy Abunda ang Joe Quirino Award bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa Entertainment Industry.

Para sa mas kumpletong detalye, narito naman ang iba pang nagwagi sa The Eddys Awards:

Best Documentary Sunday Beauty Queen

Best Supporting Actor John Lloyd Cruz

Best Supporting Actress Angel Locsin

Best Musical Score Everything About Her

Best Soundtrack Seklusyon

Best Theme Song Saving Sally

Best Visual Effects Seklusyon

Best Editing Die Beautiful

Best Production Design - Die Beautiful

Joe Quirino Award Boy Abunda

Manny Pichel Award Lav Diaz

Producer of the Year Mother Lily Monteverde

Best Cinematography Seklusyon

Best Screenplay Everything About Her

Eddys Posthumous Award Jake Tordesillas

Best Actor Paolo Ballesteros

Best Actress Vilma Santos

Best Director Lav Diaz

Best Picture Ang Babaeng Humayo

Mapapanuod din ang The Eddys Entertainment Editors Awards sa darating na July 16 sa ABS-CBN's Sunday's Best pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.