• Home
  • Fresh Scoops
  • Roxanne Barcelo admits playing the role of a villain is a dream come true for her.

Roxanne Barcelo aminadong nag-enjoy sa sampalan nila ni Maja Salvador sa ‘Wildflower’

Roxanne Barcelo admits playing the role of a villain is a dream come true for her.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/08/2017 09:50 AM
Roxanne Barcelo aminadong nag-enjoy sa sampalan nila ni Maja Salvador sa ‘Wildflower’

 

Mula sa sweet image, isa ngayon ang aktres na si Roxanne Barcelo sa mga inaabangang karakter sa tumitinding sagupaan sa top-rating teleserye na Wildflower kung saan gumaganap siya bilang si Natalie.

Sa panayam na ito ng PUSH, ibinahagi ni Roxanne ang kanyang kasiyahan para sa magandang feedback ng mga manunuod sa kanilang programa.


 

"Sobra akong happy as in genuinely happy ako sa lahat ng pagkakataon na binibigay sa akin ng Wildflower," bungad ni Roxanne.

Kuwento pa ng aktres, marami pang dapat abangan ang kanilang mga tagasubaybay sa patuloy na sagupaan nila Emilia (Aiko Melendez), Lily (Maja Salvador), at Natalie.

"Sobra akong nababaliw sa script tuwing nababasa ko as in ang wild talaga. And it just so happens to be an amazing set kasi si Maja at si Aiko, they are such great people to work with totoo talagang samahan, walang echos."

Bukod sa mainit na kuwento ng Wildflower, mas inaabangan din ang mainit na sampalan, sabunutan, at sakitan ng mga bida ng programa.

"Iniiwasan namin yung maximum level of sakitan. Talagang iniingatan namin ang isa't isa lalo na si Aiko Melendez kasi magkaibigan talaga kami as well as Maja pero hindi mo pa din maiiwasan na magkasakitan."

Punong-puno man ng aksyon, sinisigurado pa din nila na hindi sila magkakaroon ng samaan ng loob on cam and off cam.

"Super, talagang alagang-alaga namin ang isa't-isa, super hug. Kasi alam namin na trabaho lang talaga. Hindi uso ang tarayan. Lahat 100 percent is on screen lang talaga."

Dahil sa kanyang mahusay na pag-ganap bilang Natalie, aminado si Roxanne na madami na din ang naiinis sa kanya lalo na sa social media.

 

Wildflower.🥀 #Natalie *swipe left.

A post shared by roxannebarcelo (@roxannebarcelo) on

"Gusto ko yung naiinis sila, pero still I will do my best para magawa ko ng tama ang role ko as Natalie. Pinangarap ko talaga siya, many years ago sinulat ko siya sa isang note ko 'Gusto ko maging kontrobida sa isang primetime teleserye ng ABS-CBN.' Pangarap lang naman and now I'm happy kasi pak! Totoo na talaga," pahayag pa ng aktres.