• Home
  • Fresh Scoops
  • Shy Carlos also talks about keeping in touch with her former ‘Be Careful with My Heart’ co-stars.

EXCLUSIVE: Shy Carlos explains kung bakit trip na trip niyang gayahin ang smile ni Anne Curtis

Shy Carlos also talks about keeping in touch with her former ‘Be Careful with My Heart’ co-stars.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/08/2017 11:50 AM
EXCLUSIVE: Shy Carlos explains kung bakit trip na trip niyang gayahin ang smile ni Anne Curtis
Photos credit to shyschai/ annecurtissmith IG

 

Marami ang nakakapansin na may hawig ang Viva Artist Agency talent na si Shy Carlos kay Anne Curtis. Pareho silang maputi at pareho rin kung mag-smile.

Aware naman si Shy tungkol dito pero hindi raw niya intensyon na gayahin ang itsura ni Anne.


“Dati lagi kaming kina-cast na magkapatid pero yon lang naman.

“Dati kaya kong gayahin yung smile niya, pero ngayon hindi na. Yon yung may conscious effort na tinatawag na tina-try kong gayahin yung smile niya.

“I mean, hindi ko ginagawa yon for pictures. Parang sa mga friends lang kung gusto nilang makita yung Anne Curtis smile,” nahihiya niyang pahayag.

Hindi naman naiwasang aminin ni Shy na career path ni Anne ang balak niya talagang sundan.

Aniya, “Pero para sa akin, hindi naman na ako particular sa ganun, yung ipa-pattern yung career ko sa iba. Go with the flow lang ako ever since. Parang, ‘okey, kung saan meron, di ba?’

“Ang importante lang sa akin magawa ko nang maayos yung roles na ginagawa ko. Wala akong mga ilusyon (na sumikat nang husto) or something kasi nakaka-stress lang yon, eh.

“I mean siyempre yon yung goal (sumikat) pero hindi ko ini-stress yung sarili ko.”

Nakasama noon ni Shy sina Jerome Ponce at Marlo Mortel sa hit series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart. Inimbitahan din daw niya si Jerome na manood sa premiere night noon ng movie niyang Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz pero hindi raw ito nakarating.

Kumusta naman ang friendship nila at ng mga dating kasamahan sa Be Careful With My Heart?

“Si Jerome, may kontak pa naman kami. Si Marlo, nakakausap ko pa rin naman minsan, pero hindi yung lagi talaga.

“Si Janella (Salvador) naman, hindi kami laging magkaeksena noon sa Be Careful, pero mabait si Janella, eh. Ang kaeksena ko noon laging si Jerome, si Miss Jodi (Sta. Maria).

“Si McCoy (de Leon) naman, sa tent yon. Nakakasama ko ang cast pag sa tent. Pero sa eksena, hindi masyado.”

Ibinihagi rin ni Shy sa PUSH na masaya siya sa nangyayari ngayon sa career ni McCoy na kaparehas niyang nagsimula sa Be Careful.

“Sobrang happy ako for him. Sobrang natutuwa ako na big love team na sila ni (Elisse Joson), may mga endorsements na rin sila. Happy ako para sa kanya,” pagtatapos ni Shy