• Home
  • Fresh Scoops
  • Albert Martinez has his own opinion on what films should be in the MMFF.

EXCLUSIVE: Albert Martinez speaks up about MMFF 2017’s first four entries controversy

Albert Martinez has his own opinion on what films should be in the MMFF.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/08/2017 09:58 AM
EXCLUSIVE: Albert Martinez speaks up about MMFF 2017’s first four entries controversy

 

Kasama sa cast ng Ang Panday ni Coco Martin si Albert Martinez. Pangalawang beses na ni Albert to work with Coco in a movie. They first worked together in Born To Love You kung saan si Angeline Quinto ang kapareha ni Coco.

Ayon kay Albert, masaya siya na naging part ng Ang Panday.


“Ito kasing Panday is a collaboration ng lahat ng naging kaibigan ni Coco in the industry. So, nagtutulung-tulong kami to make this film, kumbaga, an epic film, to make this film a very interesting film. Lahat-lahat kami nag-chip in to be part of this project,” kuwento ni Albert sa PUSH.

Siyempre, hindi rin maiwasang kunin namin ang reaksyon ni Albert sa Metro Manila Film Festival controversy na nagsimula sa paglabas ng Top 4 films na bahagi na ng official entry.

Ani Albert, “Well, let’s just be realistic about it, ako kasi dinaanan ko na rin yang dilemma na yan. And it came to a point na tinanggap ko na yung, ‘Ano ba talaga ang main purpose ng Metro Manila Film Festival?

“So, naging tradisyon sa MMFF is an entertainment event every December. Siyempre, ang kinukuha nila o ang priority nila is what entertains the public for December. Tinanggap ko na yon, na ganu’n na talaga sila.”

Sabi pa ng actor, mas magiging okay daw kung magkakaroon talaga ng masasabing pinakamalaking indie film festival na ala-Sundance Film Fest ang dating at do’n ipapalabas ang mga quality films.

“If we’re going to make it like gusto nating maging competition talaga, we should come up with another festival na focus on real competition.

“Doon dapat kasali yung great films na talagang not necessary commercially viable pero with a fantastic narrative, with a fantastic ensemble acting and of course, isama na rin don yung indie at the same time,” katwiran ng aktor.

Patuloy pa ni Albert, “Opinion ko lang ito, ha, pero dapat hiwalay na talaga. Kasi tradisyon na ng MMFF yan, eh. Ibigay na natin sa kanila yon.”

Sa pananaw ni Albert, puro “pocket film fest” lang ang nag-i-exist na indie festival ngayon.

“Yung iba kasing indie film festival pockets sila, eh, (o maliitan lang). Kailangan natin ng isang malaki. Marami tayong indie film festival pero puro pocket film festival.

“Kumbaga, convergence dapat. Ito na yung ultimate indie film festival. Para hindi mixed ang crowd.”

Huling hirit pa niya sa PUSH, “Ang December, ang crowd dito mga bata, eh, yung gustong mag-enjoy. Meron silang napamaskuhan kaya manonood sila ng sine. Kaya kahit pilitin mo silang manood kahit isang pelikulang makabuluhan, hindi sila manonood. So, what’s the point, ‘di ba?”