• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Toto Natividad is happy that there is a new breed of action stars.

Director Toto Natividad praises Coco Martin for bringing back the action genre

Director Toto Natividad is happy that there is a new breed of action stars.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/08/2017 11:46 AM
Director Toto Natividad praises Coco Martin for bringing back the action genre

Sa naganap na press presentation ng action movie ng Viva Films na Double Barrel, ibinahagi ng batikang action film director na si Toto Natividad ang kanyang kasiyahan sa muling pag-usbong ng mga action films.

"Nakakatuwa talaga na mabigyan ulit ng pagkakataon na maibalik muli ang pelikulang aksyon. Matagal itong napahinga at ipinagdasal ko na mabuhay ulit."

Paniniwala ni direk Toto ang mga hirap na pinagdaanan sa pagbuo ng action films ang dahilan ng pansamantalang pagkawala nito sa sirkulasyon ng pelikula.


"Mahirap kasi talaga i-mount ang mga action sequences, mahal at mahirap gawin tapos yung mga action stars natin karamihan pumasok na sa pulitika at doon na mga pumasok ang mga bagong genre ng pelikula," paliwanag pa ng director.

Bilang isang beteranong direktor ng action movies, labis din ang papuri at paghanga ni direk Toto sa effort na ginagawa ni Coco Martin na ipakilala sa bagong henerasyon ang action films sa pamamagitan ng Ang Probinsyano.

"Siyempre nakakatuwa ang ginagawa talaga ni Coco Martin na buhayin talaga ang action kaya mabuhay siya bilang new breed of action star," sabi pa nito.

Bukod dito nagbigay pahayag din ang veteran director tungkol sa hindi pagkakasundo-sundo ng mga kasamahan sa industriya sa usapin ng 2017 MMFF at pagpili ng official entries dito. 

"Sana wala ng gulo, pare-pareho naman tayong mga pelikulang Pilipino. Sana huwag na natin i-distinguish ang mga sarili natin bilang ‘indie’ at ‘mainstream’, sana magkaisa na. Wala naman din tumututol sa kanilang mga ginagawa so embrace nalang one another," ang pagtatapos na pahayag ng direktor