• Home
  • Fresh Scoops
  • Jeric Raval hopes action shows and movies make a big comeback.

Jeric Raval grateful to Coco Martin for the revival of action genre on TV

Jeric Raval hopes action shows and movies make a big comeback.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/07/2017 10:59 AM
Jeric Raval grateful to Coco Martin for the revival of action genre on TV

 

Masayang-masaya ang aktor na si Jeric Raval para sa patuloy na pamamayagpag muli sa eksena ng mga action movies kabilang na ang kanyang pelikula na Double Barrel.

Kuwento ni Jeric, ito na ang tamang panahon upang ibalik ang action film hindi lang sa pelikula kundi pati na din sa telebisyon.


"I think it's about time ngayon na mabuhay muli ang action film, kasi naniniwala naman ako na ang mga viewers ng action film e nasa paligid lang yan at naghihintay lang sa pagbabalik ng aksyon."

Paniniwala din ng action star, perfect din ang timing ng kanilang pelikulang Double Barrel dahil sa patuloy na pamamayagpag din ng Ang Probinsyano na sumamasalamin din sa tunay na buhay ng mga Pinoy.

"Well I'm looking forward and hopefully sa pamamagitan ng Double Barrel ay mabuhay natin ang pelikulang aksyon," sabi pa ni Jeric.

Bukod sa Double Barrel, bahagi din si Jeric ng top rating action drama na Ang Probinsyano kung saan kasama niya si Coco Martin.

"Masaya ako kasi natutuwa sa akin si Coco kasi hindi mo naman din matatawaran ang pagiging artista niyan. Para mapili ka ni Coco e somebody ka kaya nakakatuwa," ani pa ni Jeric.

Malaki din ang pasasalamat ni Jeric kay Coco dahil sa tiwala na ibinibigay nito sa kanya mula sa TV pati na din sa big screen.

"Nagpapasalamat din ako kay Coco kasi matagal na din ako sa Ang Probinsyano. Sana magtuloy-tuloy na talaga ang action film pati na din sa TV," sabi pa ni Jeric.

Kasama din si Jeric sa 2017 MMFF movie entry ni Coco na Ang Panday.