• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Albert Martinez reveals there will be a new twist in ‘La Luna Sangre’

EXCLUSIVE: Albert Martinez reveals there will be a new twist in ‘La Luna Sangre’

Albert Martinez also talks about being a first-time grandfather.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/7/2017 9:28 AM
EXCLUSIVE: Albert Martinez reveals there will be a new twist in ‘La Luna Sangre’


 

“I can not describe the excitement, the joy, the happiness. It’s just, parang feeling ko nabigyan ako ng buhay muli because now I’m expecting to meet my first grand daughter.”

Ito ang masayang pahayag ni Albert Martinez sa PUSH na magiging lolo na next year. Manganganak na kasi si Alyanna Martinez at makikita na niya ang kauna-unahang apo.

Dagdag pa ni Albert, “Siguro it’s the best gift na matatanggap ko for next year. First gift for the year 2018.

“And siguro naman any father na magkakaroon ng first grand apo, iba yung feeling. Kasi like yung all my kids are grown up, wala na akong baby sa bahay, eh. So siya na yung bagong baby.”

Magiging anong klaseng lolo ba siya?

“Grandparents are designed to spoil their grandchildren, so nobody will stop me from doing that,” sambit ni Albert.

Naibalita rin sa amin ni Albert na bukod sa pagiging lolo niya in the future, nakatapos na rin siya ng dalawang teleserye na ipapalabas sa 2018.

“Actually, I just finished two and I’m starting another one on Monday (July 10). I did the pilot of Ang Alamat ni Bagani for 2018 and then I started The Good Son for 2018 din.”

Papasok din daw siya sa La Luna Sangre.

“On Monday, the new twist of La Luna Sangre. So, Monday yung first, yung bagong twist,” balita niya sa amin.

Ano ang magiging role niya sa La Luna Sangre?

“Secret.”

Bampira ba siya sa epic serye o isang lobo?

“Secret. Hahaha! Ayaw pa nilang ipasabi, eh,” natatawa niyang pahayag sa PUSH.

After ng aming interbyu, ipinakita ni Albert sa kanyang cellphone ang photos na kuha sa taping nila ng La Luna  Sangre at napa-wow na lang kami sa ganda.