Coco Martin ibinahagi ang dahilan ng pagliit ng kanyang kaliwang mata

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/07/2017 09:32 AM
Coco Martin ibinahagi ang dahilan ng pagliit ng kanyang kaliwang mata

 

Walang hanggang pasasalamat ang handog ni Coco Martin para sa patuloy na pagtangkilik ng mga manunuod sa kanyang programa na FPJ’s Ang Probinsyano

 


 

Maraming maraming salamat po!!!😍😍😍

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 

Aminado si Coco na talagang pinagbubuti nila ang bawat eksena na mapapanuod tuwing gabi.

"Nakakatuwa kasi hanggang ngayon hindi sila nagsasawa tinatangkilin pa rin nila at updated pa rin kami sa lahat ng nangyayari," sabi ni Coco.

Kamakailan, trending sa social media ang pagkamatay ni Ricky Boy ang nag-iisang anak ni Cardo Dalisay sa teleserye. Ayon kay Coco, totoong nalulungkot siya kapag may mga karakter sa programa ang kailangan mamaalam sa kuwento.

 

 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 

"Oo malungkot siyempre kumbaga hindi lang kami magkaka trabaho. Parang kaming isang pamilya kagaya nga po nito dalawang taon na kami may kailangan mawala at may kailangan din pumasok," ani pa ni Coco.

Marami din ang nakakapansin sa pagpayat at pagliit ng kanyang kaliwang mata na labis na ikinabahala ng kanyang mga tagahanga.

"Sa pagod po! Kasi actually kung napapansin niyo sa nakaraang mga eksena ko lumiit ang mata ko. Stress, pagod, kulang sa tulog. Pero at least ngayon po nakaka-recover na kayang-kaya naman po!" paliwanag pa ng actor.

Dagdag pa ni Coco, mas magagandang eksena pa ang dapat abangan gabi-gabi sa FPJ's Ang Probinsyano na mahigit dalawang taon nang number one sa primetime.

Bukod sa teleserye, puspusan na din ang paghahanda ni Coco para sa kanyang pelikula na kalahok 2017 MMFF na Ang Panday na nakatakdang mapanuod ngayon darating na pasko.