• Home
  • Fresh Scoops
  • Laurice Guillen to direct classic drama ‘Gulong Ng Palad’

Laurice Guillen to direct classic drama ‘Gulong Ng Palad’

Laurice Guillen wants to remake the classic love story for the next generation.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/6/2017 10:18 AM
Laurice Guillen to direct classic drama ‘Gulong Ng Palad’


 

Muling nagbabalik sa paggawa ng pelikula ang award-winning veteran director na si Laurice Guillen para sa pagsasabuhay ng Cineko Productions sa classic novel ni Loida Viriña na Gulong ng Palad.

Nakikala si Laurice sa pag-direk ng ilan sa mga blockbuster family drama movies ng Star Cinema gaya ng Tanging Yaman (2000) at Sa ‘yo Lamang (2001) na parehong nag-uwi ng mga parangal.

Ngayong taon, balik eksena si Laurice kasama ang original scriptwriter na si Loida Viriña para muling ipakilala sa bagong henerasyon ang classic Filipino love story. Aniya hindi na kailangan ng effort para ipakilala sa millennial ang classic story.

 

"I will integrate the story telling, more of the visual. Ibabalik natin yung luma pero may touch. Basically it's a story of a poor girl who fell in love with a rich boy whose family does not like her, basic story with a little bit of twist," ani ni Direk.

Bukas ang direktor sa mga bagong artista na maaring gumanap sa remake ng pelikula.

"Mayroon na tayong idea, pero sa ngayon siyempre mas priority natin ang tapusin muna ang story. Kasi doon natin makikita kung sino talaga ang perfect na gaganap for the role para mas mapaganda pa natin ang casting," paliwanag ni direk Laurice.

Bukod dito, nagpahayag din ng kagalakan ang veteran director—na kilala din sa pagsusulong sa pag-angat ng antas ng local movie industry—sa pag-usbong ng iba't-ibang uri ng film festival.

"Ibig sabihin ay nag tagumpay ang local movie industry natin. Kasi yun naman talaga ang aim ng film festival ang magkaroon ng outlet ang Filipino movies. At wala na din masyado nagsasabi ngayon na 'movie industry is dying' kasi madami na ang outlets natin kung saan pwede mo makita ang mga pelikula," masayang pahayag ni direk Laurice.

Masaya din si direk Laurice para sa pagkakaroon ng interest ng mga mainstream stars na mag bida at i=explore ang mga indie film na naiiba sa kanilang mga nakasanayan.

"Maganda yan para sa isang tunay na artista. Kasi sila mismo naghahanap sila ng vehicle para mailabas pa nila ang tunay nilang kakayahan sa usual na kanilang ginagawa. Kaya gaya ng Cinemalaya gusto nila minsan ang mga big stars ng mainstream kasi may mga character sila sa story nila na babagay lamang doon sa sikat na artista na iyon na hindi naman nila ma-afford kaya maganda ang mga pangyayaring ito para sa movie industry natin," pagtatapos na pahayag ng director.