• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin at Vice Ganda magtatapatan sa 2017 Metro Manila Film Festival

Coco Martin at Vice Ganda magtatapatan sa 2017 Metro Manila Film Festival

Coco Martin’s ‘Ang Panday’ and Vice Ganda’s ‘The Revengers’ in a face-off for 2017 MMFF.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/6/2017 10:23 AM
Coco Martin at Vice Ganda magtatapatan sa 2017 Metro Manila Film Festival


 

Puspusan na ang paghahanda ng isa sa mga inaabangangang pelikula na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival na Ang Panday.

Sa pangunguna mismo ng direktor nito at siya ding bida na si Coco Martin, ipinakilala nitong Martes (July 4) ang bubuo at makakasama ni Coco sa remake ng FPJ classic under Coco Martin Creative Production.

Dito kasama halos ang lahat ng kanyang katrabaho sa top rating teleserye na FPJ's Ang Probinsyano gaya nila Eddie Garcia, John Prats, Albert Martinez at Agot Isidro.

Si Coco mismo ang producer at direktor nito at aminado ang aktor na hindi biro ang budget na kanyang inilaan para sa pelikulang ito.

“Medyo malaki kasi may effects po siya. And sabi po talaga namin gagawin namin ito para sa pamilyang Pilipino at siyempre po para sa kabataan para mapasaya sila lalo sa darating na kapaskuhan,” ani ni Coco.

Matatandaan din na bago simulan ni Coco ang proyekto, dumalaw muna ang aktor sa libingan ng Hari ng pelikula na si Fernando Poe Jr. upang magpasalamat at humingi ng guidance sa kanyang pagsasabuhay muli ng Ang Panday.

“Actually noong first shooting day ko nagpunta talaga ako kay FPJ sabi ko para magpasalamat sa Probinsyano sa lahat ng tulong at gabay niya. And then humihingi na rin ako ng tulong para dito sa Ang Panday,” saad pa ni Coco.

Marami din ang nagulat ng i-anunsyo ni Coco na si 2017 Binibining Pilipinas International Mariel De Leon ang kanyang leading lady sa MMFF movie entry niya na ito.

“Hindi ko alam eh. basta parang gut-feel. Basta isang araw napanood ko siya sa TV. Sabi ko alam ko na kung sino ang leading lady ko,” paliwanag ni Coco kung paano niya napili si Mariel.

Ngayong taon, magkakasabay sa MMFF ang pelikula ni Coco at kaibigan nitong si Vice Ganda sa pelikulang nitong The Revengers. Ayon kay Coco, hindi pa sila nagkakausap ni Vice at umaasa siya na walang tampuhan sa pagitan nila.

“E yun po e, yun po ang ano niya. Ako naman po ginagawa ko ‘to para sa mga tao, para sa sumusuporta sa Ang Probinsyano kaya sana ngayong pasko mapaligaya ko ang mga tao. E kung ganun po na magkakasabay po kami… hindi ko pa alam, hindi pa po kami nagkakausap,” pahayag pa ni Coco.