• Home
  • Fresh Scoops
  • Atom Araullo reveals why he accepted the lead role in ‘Citizen Jake’

Atom Araullo on being an actor: ‘Baka in the future magkaroon ng bagong opportunity that I cannot pass’

Atom Araullo reveals why he accepted the lead role in ‘Citizen Jake’

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/06/2017 12:35 PM
Atom Araullo on being an actor: ‘Baka in the future magkaroon ng bagong opportunity that I cannot pass’

Sa TV Patrol, ibinalita na ang dating reporter na si Atom Araullo ang bida sa pelikulang Citizen Jake, ang comeback film ng award-winning at batikang director na si Mike De Leon. Nagbabalik pelikula si Mike matapos ang 17 years.

Si Mike De Leon din ang lumikha ng iba pang obra tulad ng Sister Stella L, Batch 81, Kisapmata at Kakabakaba Ka Ba? Kasama diumano si Mike sa 2nd golden age of Philippine cinema.

Nang tanungin kung bakit niya tinanggap ang proyekto, sinabi ni Atom na, “feeling ko kung tumanggi ako pagsisisihan ko siya habang buhay. I think it's a very courageous film in terms of the theme that it tackles.”


Co-writer din si Atom ng nasabing pelikula, “maswerte ako dahil sa kasama akong nagsulat ng pelikula. Kaya nakilala ko yung character ng mabuti, si Jake Herrera inside out. Pero dahil journalist din si Jake hindi ko na kailangan aralin…’

Nang tanungin kung tuluyan na niyang papasukin ang pag-aartista matapos ng proyekto, sinabi niya na, “wala man akong plano maging artista pero hindi ko alam baka in the future magkaroon ng bagong opportunity that I cannot pass.”