• Home
  • Fresh Scoops
  • After resigning from the MMFF, Ricky Lee moves on to the Pista ng Pelikulang Pilipino committee.

Ricky Lee joins selection committee of Pista ng Pelikulang Pilipino

After resigning from the MMFF, Ricky Lee moves on to the Pista ng Pelikulang Pilipino committee.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/05/2017 10:12 AM
Ricky Lee joins selection committee of Pista ng Pelikulang Pilipino
Photo credit to Grasya Orbon FB

 

Mula sa kontrobersyal na pagre-resign ng batikang scriptwriter na si Ricky Lee sa Executive Committee ng Metro Manila Film Festival, kasama na siya sa Selection Committee ng first edition ng Pista ng Pelikulang Pilipino. Ayon sa award-winning writer, hindi niya mahihindian na tulungan ang industriya ng pelikula na bumubuhay sa kanya.

"Noong inalok ako na maging part ng Pista ng Pelikulang Pilipino agad-agad ako nag ‘yes’ kasi bilang isang scriptwriter sa loob ng napakaraming dekada, pelikula ang bumuhay sa akin and isang maliit na paraan lang ito ng pag payback sa tulong na nagawa sa akin ng pelikula," sabi ni Ricky.


History in the making din ang Pista ng Pelikulang Pilipino dahil hindi lang buong Metro Manila ang sakop nito kundi buong Pilipinas ang makakapanood ng mga pelikulang lahok sa bagong film festival.

"Never pa ito nangyari na aabot sa walong daan na mga sinehan sa buong Pilipinas ang mga pelikulang Pilipino lang ang palabas. Walang foreign pictures na kakompitensya sa loob ng isang linggo o hihigit pa doon kung marami ang manonood. Solong-solo ng mga pelikulang Pilipino ang lahat ng sinehang, ito solong-solo natin ang Filipino audience," kuwento pa ng manunulat.

Magiging proud tayo bioang local audience sa ating mga pelikula ayon kay Ricky dahil pinili nila ang mga lahok na mapapanood ng sambayanan.

"Marami pala tayo pelikulang magaganda at mahuhusay andito na ang mga piniling mga pelikula na hindi na natin kailangan na paghirapan pang hanapin," dagdag pa ni Ricky.

Dagdag pa ni Ricky na mahalaga na bigyan pansin ang ating local movies dahil mahuhusay ang ating mga artista at mga nagtatrabaho sa likod ng camera.

"Ang ating kultura ang ating pag-iisip ay nare-reflect yun sa pelikulang Pilipino. Isang krimen kung andami daming pelikulang Pilipino ang nagagawa and yet hindi sila nakakarating sa mamamayang Pilipino. Hindi sila nade-deprive sa napakagandang gawa ng kapwa Pilipino lalo na sa sariling bansa," paliwanag ng award-winning scriptwriter.

Mapapanood ang Pista ng Pelikulang Pilipino mula August 16 to 22.